• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Middle class may bawas tax

MAKAKAGINHAWA na sa susunod na taon mula sa pagbabayad ng buwis ang mga middle class.

 

 

Paliwanag ni Sen. Sonny Angara, na mananatiling chairman ng Senate committee on Finance, magbebenepisyo sa Tax Reform for Acce­leration and Inclusion Law (TRAIN Law) o Republic Act No. 10963 ang mga middle class tulad ng mga guro, ordinaryong mga empleyado na nakakatanggap ng suweldo at binabawasan ng withholding tax dahil mababawasan na ang buwis nito sa susunod na taon.

 

 

Umaasa rin ang mambabatas na ang tax deduction sa ilalim ng TRAIN law ay makakatulong, kasabay ng pangako na titingnan niya ang ibang posibleng me­kanismo na magpapagaan sa financial struggle ng nasa middle class sector.

 

 

Bukod dito, bukas din umano ang senador sa pagbibigay ng cash subsidies para sa middle class subalit dapat ay may sapat na pondo ang gobyerno para dito at prayoridad din ang mga mas mahihirap na Filipino.

 

 

Nauna nang ipinanawagan ng ilang mambabatas na bigyan din ng gobyerno ng ayuda ang nasa middle class dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Bukod pa rito, hirap na hirap na rin umano ang mga ordinaryong pamil­yang Filipino sa taas na presyo ng bilihin habang nasa kasagsagan pa rin ng pandemya. (Ara Romero)

Other News
  • Palasyo pinuna ang pagkakamali sa pangangasiwa

    Mismong ang Malacañang na ang pumuna sa maling sistema na ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (lsiS) na pansamantalang nanantili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bulag siya kung sasabihing walang makikitang pagkakamali sa sistema.   Ayon kay Sec. Roque, hindi nasunod ng […]

  • Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup

    Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup. Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic. Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa […]

  • AFP chief pinaalalahanan ang mga sundalo na manatiling tapat sa Konstitusyon

    Pina-alalahanan ni AFP Chief of Staff Gen. Jose Faustino Jr, ang lahat ng miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na manatiling tapat sa Konstitusyon.     Ang paalala ay ginawa ni Faustino sa kaniyang mensahe sapagdiriwang ng ika-31st Aniberdsaryo ng AFP Code of Conduct .     Ayon kay Faustino, responsibilidad ng bawat sundalo na […]