VP Sara, nagbigay-galang kay dating PM Shinzo Abe
- Published on July 13, 2022
- by @peoplesbalita
BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang official residence ni Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa para ipaabot ang pakikiramay sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
“Ang pagmamahal at pagpapahalaga ng dating Prime Minister sa Pilipinas ay hinding-hindi natin makakalimutan,” ayon kay VP Sara sa isang Facebook post.
Sa ulat, pumanaw na sanhi ng tinamong tama ng bala sa asasinasyon ang 67-anyos na dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe habang nagtatalumpati sa isang campaign rally sa Nara City, dalawang araw bago pa ang national election.
Nagsulat din si VP Sara sa book of condolences para sa yumaong prime minister.
“It is a great sadness that I learned of the passing of former Japanese Prime Minister Shinzo Abe. My profound condolences to his bereaved family and the people of Japan who are grieving over his untimely demise,” ang sinulat nito.
Kinondena naman ni VP Sara ang “senseless act of violence” na nauwi sa “untimely death” ni Abe.
“I join the Filipino people in condemning the senseless act of violence that claimed the life of a great leader. While words must be of little solace at this time, kindly allow me to express my sincerest appreciation for his contributions in bringing our countries even closer,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, nagpaabot din naman ng pakikiramay si VP Sara sa mga mamamayan ng Japan, ang liderato aniya ni Abe at impluwensiya nito ay hindi makalilimutan.
“He will always be remembered for his love and kindness for the Filipinos and Davao City. We mourn with you in this time of loss,” ani VP Sara. (Daris Jose)
-
BFAR atras muna sa imported fish ban
SINUSPINDE ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes ang pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na isda tulad ng salmon at pampano sa mga palengke at grocery na nakatakda sanang ipatupad sa Disyembre 4. Idineklara ang moratorium sa pagpapatupad sa Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195, na ang ibig sabihin […]
-
Pagbalik sa mandatory face mask policy, kasunod ng pagtaas ng Covid cases, ipinauubaya na sa IATF,DOH – PBBM
WALA pang nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa bansa. Sa isang panayam sinabi ng Chief Executive na kailangan pag-aralan nito muli. Ayon sa Pangulo dapat maging masigasig muli sa paghihikayat na magpa […]
-
Fadol sinilat Italian, wagi rin kontra Qatari sa Doha
HUMATAW ng mga kambal na panalo sina Rose Jean Fadol at Jann Mari Nayre para sumungaw na sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng COVID-19 sa darating na July 23-August 8 ng taong ito. Ginulantang ni Fadol, 26, si Olympian Debora Vivarelli ng Italy, 11-6, 11-9, 11-9, […]