• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warriors star Thompson, hindi makalalaro ng buong NBA season

Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng  Golden State Warriors na si  All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.

 

Ayon sa ulat, nakuha ni Thompson ang season-ending injury sa ginanap na practice game sa Southern California noong nakaraang araw.

 

Sa inilabas ng statement ng Warriors, pinayuhan ito ng kanyang doctor na hindi muna maglaro hanggang hindi tuluyang gumagaling ang injury.

 

Magugunitang hindi na nakapaglaro noong nakaraang buong season ang 30-anyos na si Thompson dahil sa torn anterior cruciate ligament na nakuha nito sa NBA Finals.

 

Marami ang nagsasabi na maaaring ito na ang katapusan ng career ni Thompson dahil lagi na itong tinatamaan ng injury at bibitiwan na rin ito ng Warriors dahil wala na itong  pakinabang.

 

Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng  Golden State Warriors na si  All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.

Other News
  • Nagpapasalamat sa lahat na patuloy na nagdarasal: KRIS, muling nagbigay ng update sa kalusugan at procedures na pinagdaraanan

    LAST June 30, muling nag-post sa Instagram si Queen of All Media Kris Aquino para magbigay ng update sa kanyang kalusugan.     Nasa Amerika nga si Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, para magpagamot sa kanyang karamdaman.     Panimula ni Kris na patuloy na lumalaban, “For now, 12 noon, […]

  • Ini-enjoy muna ang pagiging single: BEA, ayaw pang makipag-date kaya dedma sa nagpaparamdam

        INAMIN ni Bea Alonzo na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon, pero wala pa raw siyang balak na makipag-date.     “I’m enjoying being single. I mean there are people, siyempre naman may nagpaparamdam, sometimes you reply, sometimes you see people,” sey ng ‘Widows’ War’ star.       Importante raw kay Bea […]

  • Bersamina gold sa Asian chess board 3

    PINANGIBABAWAN ni International Master Paulo Bersamina ang impresibong ipinakita ng Pilipinas sa individual board awards sa patuloy ding ginaganap na Asian Nations Online Chess Cup nang makasakote ng gold medal sa board three.   Umiskor ang 22 taong-gulang na Pinoy woodpusher ng 7.0 points sa likod ng six wins at two draws at loss sa […]