• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangalanan sina Vergeire at Robles bilang DOH OIC at PCSO GM

PINANGALANAN na ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of Health (DOH) at hinirang naman si  dating Light Rail Transit Authority administrator Mel Robles bilang general manager ng  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

 

 

Inanunsyo ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing, kahapon Huwebes.

 

 

“Ngayong araw po ay itinilaga po si Dr. Rosario Vergeire bilang OIC ng Department of Health,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Bago pa ang kanyang bagong appointment, nagsilbi si Vergeire bilang  DOH Undersecretary for Public Health Services Team.

 

 

Buwan ng Hunyo nang ipagkatiwala kay Vergeire na pamunuan ang  National Vaccination Operations Center (NVOC),  ang “body”  na inatasan na tiyakin ang tamang “storage, inventory and delivery of coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines” at  i-develop tamang  guidelines para sa national vaccination program against the coronavirus.

 

 

Samantala,  sinabi pa ni Cruz-Angeles na “Sa Philippine Charity Sweepstakes Office naman, nominado si Mr. Mel Robles, dating Light Rail Transit Authority administrator, bilang general manager.”

 

 

Si Robles,  ani Cruz-Angeles ay kinilala sa kanyang naging mahalagang gampanin na gawin ang LRTA na “profitable” sa ilalim ng kanyang liderato.

 

 

Si Robles ay dating board member ng  Intercontinental Broadcasting Corporation.

 

 

Sa kabilang dako, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakapagpapalabas ang Malakanyang ng appointment papers nina Vergeire at Robles.

 

 

Welcome naman sa  DOH ang pagtatalaga kay Vergeire bilang DoH OIC. Looking forward ang  departamento sa pagpapatuloy ng pagbangon at pagbawi ng bansa mula sa pandemya.

 

 

“[The] DOH appreciates the President’s confidence in one of its career executives, including the immense responsibility such trust brings,” ayon sa DoH  sabay sabing “Each and every member of the DOH family shall work together to continue the gains instituted by previous administrations.”

 

 

Tiniyak din ng departamento sa publiko na ginagawa na nito ang lahat ng kanilang makakaya tungo sa universal health care para sa mga  Filipino. (Daris Jose)

Other News
  • Mga sasakyan, inararo ng SUV sa Maynila

    INARARO ng isang SUV ang ilang mga sasakyan sa United Nations Avenue sa Maynila , Lunes ng umaga.         Sa imbestigasyon, isang tricycle driver at ilang motor rider ang nadamay sa insidente na kapwa isinailalim sa paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat.     Sa impormasyon, naunang tumama ang puting SUV […]

  • ‘Aquaman 2’ Officially Becomes The Biggest 2023 DC Movie

    Despite falling significantly behind Aquaman and several other DC movies that were released over recent years, Aquaman and the Lost Kingdom is officially the DCEU’s biggest movie in 2023.     Arthur Curry’s latest outing was the DCEU’s final installment, giving way to the revamped DC Universe in 2025 as DC’s first cinematic franchise petered […]

  • LGBT Bulacan Federation, naglaan ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Naglaan ang Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at Provincial Health Office – Public Health, sa inisyatiba ng LGBT Bulacan Federation, ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo laban sa COVID-19 na isasagawa sa Nobyembre 11, 2021, 8:00 N.U. hanggang 2:00 N.H. sa Provincial Vaccination Site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, […]