• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Almost two years nang ginagawa at sa 2023 na maipalalabas… Direk MARK, aminadong scary ang level of expection para sa ‘Voltes V: Legacy’

ALMOST two years nang ginagawa ng GMA Network ang live-action anime adaptation ng “Voltes V: Legacy” pero hindi pa rin ito maipalalabas this year but will be an early 2023 offering ng GMA.

 

 

Ayon nga kay Direk Mark Reyes, “The level of expectation is really scary for us but I guarantee you that GMA spared no expense in producing the series.”

 

 

Kaya nang magkaroon ang Toycon Philippines ng more than a thousand collection ng iba’t ibang laruan this year, isa sa naging highlights ng toy convention ay ang pagdating ng ilan sa cast members ng “Voltes V: Legacy.” Nagkaroon ng fan meet and greet at panel interview sina Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landincho, Matt Lozano at Direk Mark.

 

 

Happy ang mga fans dahil maraming maswerte sa kanila na nakapagpapirma ng kanilang Voltes V collection tulad ng replica ng Voltes V signature sword, and laser sword. Damang-dama raw nila ang Voltes V fever sa Toycon kaya naman inanunsyo na ni Direk Mark doon na sa susunod na taon na, 2023, ipalalabas ang Pinoy adaptation nito.

 

 

“Pinaghusayan po naming lahat ang paggawa ng itinuturing na first serious epic sci-fi TV show na more than two years in the making ang produksyon sa kabila ng mga pagsubok at limitasyon bunsod ng pandemya.”

 

 

“Voltes V: Legacy: is produced by GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero. Lahat ng mga materials ay approved ng Japanese creator na Toei Company at ng Philippine licensing agent nito na Telesuccess Productions, Inc.

 

 

***

 

 

MASAYA ang seasoned actress na si Ms. Eula Valdes sa kanyang pagbabalik sa GMA Network, dahil sa upcoming Afternoon Prime series na “Return to Paradise,” na tampok sina Kapuso hunk Derrick Monasterio at new Kapuso actress Elle Villanueva.

 

 

Hindi ikinaila ni Eula ang excitement niya sa mediacon ng serye.

 

 

“Excited ako, si Derrick, nakatrabaho ko na before sa GMA, at natanong ko nga kung kamag-anak siya ni Ms. Tina Monasterio. Mom pala niya.

 

 

“Si Elle, first time kong makakatrabaho, at open naman ako na makatrabaho ang mga nakababatang artista, wini-welcome ko ang chances na makatrabaho sila, kasi iba rin iyong vibes at energy na makukuha mo sa kanila.

 

 

“At excited din ako to be back with GMA, kasi ang tagal na rin naman ng last series na ginawa ko sa kanila, and I would like to thank them. Swak ‘yung schedule ng paggawa ko ng bagong show dito, kumbaga fully charged na ako.”

 

 

Kasama rin sa cast sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon. Sa direksyon ni Don Michael Perez, malapit na itong mapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa July 25.

 

 

***

 

 

PATULOY ang paghataw gabi-gabi ng ratings ng first sports serye ng GMA Network, ang “Bolera,” labis-labis ang pasasalamat ng bidang billiard player na si Kylie Padilla sa mga netizens and televiewers sa mainit na suportang natatanggap nila.

 

 

Nasa ika-7th week na sila ngayon pero patuloy ang pagtaas ng rating ng bawat episode.

 

 

Ipinaabot ni Kylie ang pasasalamat niya sa mga Kapuso viewers sa pamamagitan ng kanyang Instagram post: “OMG! Salamat sa lahat ng suporta!”

 

 

Nag-enjoy ang mga viewers sa paglaban ni Joni (Kylie) sa mga guest billiards player, like Golden Eye (Klea Pineda) and White Lotus (Ina Raymundo). Sino pa kaya ang magiging guest players ng serye.

 

 

Pero ang isa sa inaabangan ng mga netizens ay ang paghaharap nina Bolera at Cobrador (Gardo Versoza). Nangako si Joni na sa pagkakataong iyon, tatalunin niya ang lalaking naging dahilan ng kamatayan ng kanyang ama, ang billiard champion na si Jose Maria Fajardo.

 

 

Napapanood ang “Bolera,” gabi-gabi, 8:50PM, pagkatapos ng “Lolong,” sa GMA-7.

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • 100 FILIPINO NURSES, WANTED SA 2 KLINIKA SA MARRAKECH

    NAGHAHANAP ng 100 Filipino nurses  ang dalawang klinika sa Marrakech , ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Moroccan capital city.     Sinabi ni Labor Attaché Dominador Salanga na ang  POLO ay nagpadala ng dalawang memo na humihiling sa Philippine Overseas Employment Administration na maglaan ng mga slots para sa estado ng North […]

  • Ancajas vs Rodriguez, kasado na ang sapakan

    ILALABAN at buong tapang na Ipagtatanggol ni reig-ning International Boxing Federation (IBF) super flyweight world champion Jerwin Ancajas ang kanyang titulo laban kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Abril.   Ito ang inihayag ni Top Rank Promotions chief Bob Arum kung saan pinag-aaralan pa ng kanyang grupo kung saan gaganapin ang laban.   Si Rodriguez […]

  • Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan.   “Alam mo, it is high time that government consider na we […]