• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ancajas vs Rodriguez, kasado na ang sapakan

ILALABAN at buong tapang na Ipagtatanggol ni reig-ning International Boxing Federation (IBF) super flyweight world champion Jerwin Ancajas ang kanyang titulo laban kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Abril.

 

Ito ang inihayag ni Top Rank Promotions chief Bob Arum kung saan pinag-aaralan pa ng kanyang grupo kung saan gaganapin ang laban.

 

Si Rodriguez ang parehong boksingerong makakalaban sana ni Ancajas noong Nobyembre 2 sa Carson, California.
Subalit hindi ito natuloy dahil sa problema sa visa ni Rodriguez.

 

“Yes (it’s Rodriguez). I did not make the match, one of my people made it. Once we finalized everything, we will announce it. I think that fight will most likely by April 11,” ani Arum na tiniyak naman na wala nang magiging aberya sa pagkakataong ito.

 

Kailangan aniya maplantsa ang lahat ng dokumento bago pa man ang laban partikular na ang visa na naging pangunahing dahilan para makansela ang laban nito kay Ancajas noong Nobyembre.

 

“We are still finalizing the site. But you know sometime next week or so, everything will come together. We’ve been announcing two fights for every month but at least two or three fights, so we will have that final advise sometime next week,” ani Arum.

 

Naging kapalit ni Rodriguez si Chilean Miguel Gonzalez kung saan itinarak ni Ancajas ang impresibong sixth-round knockout win noong Disyembre 7 sa Puebla, Mexico.

 

Marami pang plano si Arum kay Ancajas dahil matapos si Rodriguez, target ni Arum na isabak ang Pinoy boxer kina World Boxing Council super flyweight champion Juan Francisco Estrada ng Mexico, World Boxing Association super flyweight titleholder Khalid Yafai ng Great Britain at World Boxing Organization champion Kazuto Ioka ng Japan para sa isang unification bout.

Other News
  • PDu30, inirekomenda sa susunod na Pangulo na agad na simulan ang pagpapatawag ng constitutional convention

    INIREKOMENDA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa idedeklarang ika-labing pitong Pangulo ng Pilipinas na atupagin ang constitutional convention.     Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes ay sinabi ng Chief Executive na kailangan na talagang gawin ang nasabing hakbang at nakikita niyang may demand nang palitan ang konstitusyon.     Sinabi nito […]

  • JOHN LLOYD, ipinagtanggol ni DEREK dahil mabuti itong ama kay ELIAS; nagkaroon ng dalawang birthday celebration

    NAGKAROON ng dalawang birthday celebration ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias sa pamamagitan ng Spiderman-Themed Parties na hinanda nina John Lloyd, Ellen Adarna at Derek Ramsay.     Naunang nag-celebrate ng 3rd birthday ni Elias kasama ang kanyang daddy JLC at may simpleng caption ang IG post niya ng, […]

  • De los Santos asintang gayahin ginawa sa 2020

    LUBHANG naging mahirap para sa ang 2020 dahil sa Covid-19, pero mabunga pa rin ang taon para kay karateka Orencio James Virgil De Los Santos sa daming binigay na karangalan para sa bansa at mga Pinoy.   Pinokus ng 30-taong-gulang, may taas na 5-5 at tubong Cebu na nakabase sa Maynila na karatista ang panahon […]