Dating Finance Secretary Roberto de Ocampo, kumbinsidong hindi natutulog sa pansitan ang administrasyong Marcos para mapalakas ang ekonomiya
- Published on July 19, 2022
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO si dating Department of Finance (DoF) Secretary Roberto de Ocampo na may ginagawang mga hakbang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging malakas at tuloy- tuloy ang takbo ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni de Ocampo, nakikita niyang nagsusumikap ang administrasyong Marcos para matiyak na may trabaho ang mga tao habang naghahanap din ito ng remedyo upang ang presyo ng bilihin at presyo ng krudo ay hindi naman masyadong tumaas.
“Sa pangkat naman ng administrasyon, gumagawa po sila ng ilang hakbang upang ang ekonomiya ay tuluy-tuloy pa ring sumulong at magkaroon ng hanapbuhay ang ating mga mamamayan at naghahanap sila ng mga remedyo upang iyong supply ng mga bilihin at ang presyo ng bilihin at presyo ng krudo ay hindi naman masyadong tumaas,’ ayon kay de Ocampo.
“Kaya medyo umaapak din tayo sa preno tungkol sa ekonomiya ngunit hindi tayo umaapak sa preno nang tuluyan katulad ng Amerika sapagkat mas malala ang sitwasyon nila doon at hindi bagay sa atin na kopyahin natin ang ginagawa nila. Ito po ay parang pagtitimpla na katamtaman at tamang pagsulong ng ekonomiya at ang pagsipsip ng sobrang piso sa ating ekonomiya. Hindi po madaling usapan, pero iyan po ang sitwasyon,” aniya pa rin.
Sa kasalukuyan, dalawang bagay ang ginagawa ring hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa harap ng forecast ng mga eksperto na baka lumampas sa 6% ang inflation rate.
Isa na rito ayon kay de Ocampo ay kontrolin ang money supply o suplay ng piso sapagkat kapag sumobra din naman ito ay bababa ang halaga nito.
Sinabi pa nito na kung tutuusin ay mas malala ang sitwasyon sa Amerika at kung anuman aniya ang ginagawang hakbang ng US ay hindi naman natin dapat na kopyahin.
” Unang-una po, iyang inflation na nangyayari ngayon ay nagbubunga sa Amerika, hindi po nagbunga dito sa Pilipinas. At alam ninyo may kasabihan na kapag sinipon iyong Amerika, nagkakaroon ng pneumonia iyong ibang mas maliliit na bansa katulad natin. Eh ngayon hindi lang sinipon ang Amerika, na-pneumonia pa,” ayon kay de Ocampo.
“Aabot ba tayo nang mas mataas sa 6%? Sa palagay ko depende kung ano ang gagawin ng gobyerno para hindi naman umabot sa ganoon. Ang ginagawa po nila ay dalawa, mayroong ginagawa ang BSP upang kontrolin ang money supply, supply ng piso sapagkat kapag sumobra din naman iyan ay bababa ang halaga,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Pacquiao nagpahayag ng pagbabalik sa ring matapos ang panalo kay DK Yoo
NAGPAHAYAG ng tuluyang pagbabalik sa boxing ring si Filipino boxing icon Manny Pacquiao. Kasunod ito sa panalo niya sa exhibition fight laban kay martial artist DK Yoo sa Goyang, South Korea. Nakita nito kaya niyang patumbahin ng maaga ang malaking kalaban sa kanilang six-round charity boxing match subalit mas minabuti pa […]
-
Retiradong sundalo, 1 pa, huli sa pagbebenta ng shabu sa Valenzuela
DALAWANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang retiradong sundalo ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at […]
-
OPISYAL NG MPD-STATION 7 SINIBAK SA PUWESTO
TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro ng media sa Maynila. Ito ang kinumpirma ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari. Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station […]