PBBM, target ang government-to-government deals para sa pagbili ng fertilizer
- Published on July 20, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang government-to-government talks para tugunan ang tumataas na presyo ng fertilizers.
Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na maaaring makabili ang pamahalaan ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng government-to-government deals.
Kinokonsidera ng Chief Executive ang makipag-usap sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para sa pagbili ng fertilizers.
“Gusto tayong tulungan, gusto tayong lapitan, eh ‘di take advantage naman tayo, ‘di ba? Sige bigyan ninyo kami ng fertilizer na medyo maganda-ganda ang presyo. That’s the whole point of G2G,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang meeting kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture.
“I’m thinking would it be useful for us if sulatan ko silang lahat… and I’ll say that we are in the market to buy this volume of fertilizer,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, inatasan naman ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal ng DA na mag-provide ng data hinggil sa “source and price” ng fertilizers” at ang distribution plan ng departamento sa planting season.
Itinutulak din ng Pangulo ang farm-to-market road masterplan na ayon sa kanya ay makatutulong na tiyakin ang food security sa bansa.
Ang FMR masterplan ayon kay Pangulong Marcos ay magsisilbing gabay ng gobyerno sa pagpo-promote ng food security at naglalayong palakasin ang rural communities. (Daris Jose)
-
TRICYCLE DRIVER BINARIL SA MUKHA
PINASOK sa loob ng kanilang bahay at malapitang pinagbabaril sa mukha sa harap mismo ng kanyang live-in partner ang isang tricycle driver hindi kilalang suspek subalit himala itong nakaligtas sa lamatayan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. “Parang may sa pusa, siyam yata ang buhay,” pahayag ni Malabon police homicide investigator P/MSgt. Julius Mabasa sa panayam […]
-
Isa na naman sa dream niya ang natupad: KIM, ipinasilip na ang bonggang rest house sa Tagaytay
BILANG selebrasyon ng 3 million subscribers sa kanyang YouTube channel, masaya at proud na ibinahagi ni Kim Chiu ang house tour sa kanyang newly-renovated rest house sa Tagaytay. Sa kanyang IG post kasama ang mga photos, may caption ito na, “Happy 3 million subscribers! Maraming maraming salamat po for all the love and time […]
-
IMBESTIGASYON LABAN SA FLIGHT ATTENDANT, MAKUKUMPLETO NA
INAASAHANG makumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa pakamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City noong December 31,2020. Ito ay makaraang matanggap na ng NBI angilan pang ebidensya na hawak ng Philippine National Police (PNP) tulad ng specimen, cellphone at garments. […]