• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bashing sa young actress, lumala pa dahil sa interview kay Boy: POKWANG, ‘di na sumagot sa sinabi ni ELLA na nasaktan sa kanyang naging comment

HINDI na sumagot si Pokwang sa sinabi ni Ella Cruz na nasaktan siya sa comment ni Pokwang tungkol sa “history is tsismis.”

 

 

Parang anak kasi ang turing ni Pokwang kay Ella kaya nag-comment sa pinag-uusapan sagot ni Ella.

 

 

Matinding bashing ang natanggap ni Ella sa mga netizens dahil sa kanyang statement. Actually, mas lumalala pa ang comments ng mga netizens nang ipagtanggol ni Ella ang kanyang sarili sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

 

 

Dapat sana, bago siya nagbibitiw ng statement, ay pinag-iisipan din ni Ella ang kanyang sasabihin kasi it might do more harm than good.

 

 

Sabi nga less talk, less mistake.

 

 

Ang huling tweet ni Pokwang ay “Kaya ang gaang ng buhay mo ngayon, kaya ka malayang nakakasigaw ngayon kasi may mga naghirap noon para sayo ay sana wag mo iwaglit iyan sa puso at isip mo.”

 

 

As of the moment ay nasa Amerika si Pokwang kasama si K Brosas para sa kanilang concert tour.

 

 

***

 

 

ISA si Rita Daniela sa nominadong Best Actress para sa ‘Huling Ulan sa Tag-araw’ sa 70th FAMAS Awards na gaganapin sa Metropolitan Theater on Saturday, July 30.

 

 

Kalaban niya for the said category sina Charo Santos-Concio (Kun Maupan Man an Panahon), Sharon Cuneta (Revirginized), Maja Salvador (Arisaka), Nicole Laurel Asencio (Katips) at Janine Gutierrez (Dito at Doon).

 

 

Nominado naman na Best Actor si Dingdong Dantes as Best Actor para sa ‘A Hard Day.’

 

 

Crowding Dingdong for the award ay sina Christian Bables (Big Night), Vince Tanada (Katips), Jerome Ponce (Katips), Daniel Padilla (Kun Maupay Man ang Panahon) at Mon Confiado.

 

 

Ang FAMAS ang oldest award-giving body sa Pilipinas. Mga bata pa tayo ay mayFAMAS na.

 

 

Dati ang FAMAS lang ang nag-iisang award-giving body sa Pilipinas. Kapag nanalo sa FAMAS ay itinuturing na prestigious ang pagiging actor o actress mo.

 

 

Ngayon marami na ang namimigay ng awards. Pati mga schools and universities namimigay na rin ng awards.

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Matatagalan pa bago makabalik ng ‘Pinas: Fulfilling kay AI-AI ang magtrabaho sa isang nursing home

    KASALUKUYAN nang napapanood ang award-winning Kapuso adventure series na ”Lolong” sa Indonesia, na may titulo roon bilang “Dakkila.”       Pinalabas na noong nakaraang Lunes ng gabi ang “Dakkila” sa Indonesian channel na ANTV.       Narito ang naka-post sa Facebook ng ANTV:     “TODAY!! Don’t miss watching the story of Dakkila […]

  • Lebron James, pinalawig ang kaniyang excused absence

    Pinalawig pa ni Lakers star Lebron James ang kanyang excused absence.       Pagkatapos ito ng hindi paglalaro sa unang game ng season noong nakaraang Linggo dahil sa sore foot at ngayon ay hindi rin maglalaro laban sa Memphis Grizzlies sa Crypto.com Arena, Los Angeles, California.     Nababahala ang ilang miyembro ng Lakers […]

  • Beda may bala na panlaban sa Letran

    ANG Colegio de San Juan de Letran Knights ang nagkampeon sa 95th  National Collgiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament noong Nobyembre.   Sinawata ng Intramuros-based squad ang umaasam ng four-peat title na San Beda University Red Lions.   Kaya nasa radar ng mga basketbolista ng Mendiola na makaresbak sa mga kabalyero ni coach Bonnie Tan. […]