• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinumpara ang kaakit-akit na ganda sa alak: DERRICK, ‘di nakapagtatakang mahumaling sa morena beauty ni ELLE

HINDI nakapagtatakang mahumaling si Derrick Monasterio sa morena beauty ni Elle Villanueva habang ginagawa nila ang mga maiinit na eksena sa teleserye na ‘Return To Paradise.’

 

Kinumpara ng Kapuso hunk ang kaakit-akit na ganda ni Elle sa alak: “Si Elle para siyang wine. ‘Yung habang tumatagal lalong gumaganda. Ganoon siya eh, ang dami kong nakikitang bagong sides niya, bagong magandang angle niya.”

 

Gaganap sina Derrick at Elle bilang sina Red Ramos at Eden Santa Maria, na magiging stranded sa isla matapos ang plane crash at magkakagusto sila sa isa’t isa, pero magiging magulo ang lahat dahil sa hindi magandang nakaraan ng kani-kanilang pamilya.

 

Kahit nga tag-ulan na, sizzling hot ang mga eksena nila Derrick at Elle. Naging malaking tulong ang magandang location nila na isang island resort sa Quezon.

 

Sey pa ni Derrick: “Feeling ko ‘yung daringness dito makukuha sa kung paano naglalaro ‘yung dalawang characters, kung paano ‘yung mga tinginan nila, kung paano ‘yung touch, kung paano ‘yung chemistry.”

 

Sey naman ni Elle: “It’s not gonna be about just two people falling in love, but it’s about the love of your mother, your own family. It’s really hard to choose between your family and your loved one.”

 

***

 

HINDI naman magpapahuli sa pagpapakita ng abs ang boys ng ‘Running Man Philippines’ na sina Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Buboy Villar at Mikael Daez.

 

May kanya-kanya paandar ang apat na Kapuso hunks sa pag-alaga ng kanilang mga katawan para sa maraming challenges ng sinu-shoot nilang show sa South Korea. Kailangan maging physically fit sila parati kaya kapag parati silang nasa gym or tumatakbo sa labas.

 

At siyempre, hindi mawawala ang pagsayaw nila sa Tiktok. Gumagawa ng sexy dance video to the tune of “Thick Fine Woman” sina Ruru, Kokoy at Buboy habang nagwu-workout sa gym.

 

Nagtalo pa ang netizens kung sino sa tatlo ang may pinaka-hot na katawan at pinakamagandang abs. At may nagre-request pa na may solo sexy dance sana ang tatlo para makita kung sino ang pinaka-hot sa kanila.

 

***

 

PINANGAKO ni Liezel Lopez na mai-in love lang daw siya ngayon sa kanyang career para lagi siyang masaya at hindi maging bitter sa buhay.

 

Kahit wala raw siyang lovelife sa ngayon, happy siya sa mga trabahong dumarating sa kanya.

 

Sa bago niyang teleserye na ‘Return To Paraside’, siya ang hahadlang sa magandang relasyon nila Red at Eden na ginagampanan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

 

Dahil kontrabida siya ulit, binigyan naman daw niya ng ibang atake ang pagiging maldita niya sa naturang teleserye.
“Yung last teleserye ko kasi na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’, simula pa lang alam mo na kontrabida ako kasi lagi akong mataray at nanggigigil ako sa galit. Dito sa ‘Return To Paradise’, medyo subtle lang ang pagtataray ko kay Eden.

 

“May goal kasi ako na mapasakin ulit si Red. Basta lahat gagawin ko, maangkin ko lang ulit ang lalakeng dati kong minahal kahit na makasakit ako ng damdamin ng ibang tao,” sey ni Liezel.

 

Hindi rin nagpakabog si Liezel sa pagpapa-sexy sa teleserye. May sarili ring mga eksena si Liezel na nag-uumapaw ang kanyang alindog sa mga suot nitong bikini. May mga eksena rin siya kunsaan nayayakap niya ang mainit at maskuladong katawan ni Derrick.

 

Kelan lang ay pinost niya sa kanyang Instagram ang bagong sexy photoshoot niya na suot ay flesh-colored bikini at kita ang seksing katawan ng aktres.

 

Sa nga sexy na emote ni Liezel, parang nangungusap ang kanyang mga mata at tila may sinasabihin ito ng “Ito ang sinasyang mo!”

 

Kasama rin si Liezel sa cast ng ‘Voltes V: Legacy’ bilang ang Bozanian na si Sandra. Sa 2023 pa ito ipapalabas.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Orle, Pantone papalo sa PLDT

    TATRANGKAHAN pala nina French import Maeve Orle at legendary libero Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone habang si Rogelio ‘Roger’ Gorayeb pa rin ang magmanado para sa PLDT Home Fibr sa nakatakdang 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020.   Puntirya ng Power Hitters na maparehasan, hindi man mahigitan ang bronze medal na tinapos dito sa nakalipas na […]

  • Mayroong parameters bago maibaba sa MGCQ ang quarantine classification

    MAYROONG mga parameters na ginagamit ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno bago pa masabing puwede nang maibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa isang lugar o sa buong bansa.   Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, na kailangan ding makita ang kakayanan ng mga local government unit pagdating sa gatekeeping […]

  • BONGBONG MULING NANGUNA SA ONLINE SURVEY NG MANILA BULLETIN

    MULI na namang nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21.       Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang ng malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal […]