• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD

TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.

 

 

Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus.

 

 

“Hindi [s]iya classified as a sexually transmitted disease. Although ngayong nag-evolve na itong monkeypox virus, maaari na itong makuha sa sexual contact,” pagbibigay-diin niya sa isang panayam sa radyo.

 

 

“Actually, 95% of cases right now globally are through sexual contact nakuha,” pagpapatuloy niya.

 

 

Biyernes nang kumpirmahin ni DOH deputy spokesperson Beverly Ho na natukoy na sa Pilipinas ang unang kaso ng monkeypox sa isang 31-anyos na Pinoy na nanggaling sa ibang bansa.

 

 

Sambit ni Vergeire, may mga nasawi na dahil sa monkeypox at maaaring mas vulnerable rito ang mga immunocompromised, mga buntis at mga senior citizen.

 

 

“[K]apag ‘yung tinamaan ay immunocompromised individuals, mababa ‘yung kanilang panlaban sa sakit. Katulad ng mga buntis, maaari ring maging vulnerable sila, katulad ng mga kabataan, and of course, ‘yung mga nakakatanda na marami nang comorbidities,” sambit niya.

 

 

Una nang sinabi ng World Health Organization na maaaring kumalat ang monkeypox sa pamamagitan ng skin-to-skin contact tulad ng pakikipagtalik, pakikipaghalikan at paghawak sa indibiwal na may sintomas ng naturang sakit.

 

 

Samantala, sinabi ni infectious disease at vaccine expert na si Dr. Rontgene Solante na mas mapanganib pa rin ang COVID-19 kumpara sa monkeypox dahil gumagaling aniya sa loob ng  21 hanggang 28 days ang mga tinatamaan ng viral infection na madalas makuha sa skin-to-skin contact.

 

 

“Malayo talaga in terms of mortality. Mas delikado ang COVID-19 compared to monkeypox. [I]n general, this is a less severe type of infection compared to COVID-19,” sambit niya sa isang panayam .

 

 

Ang Pinoy na tinamaan ng monkeypox ay sinasabing nagpositibo sa nasabing sakit noong ika-28 ng Hulyo.  (Ara Romero)

Other News
  • Tuloy ang pagiging brand ambassador ng ’Sante’: Kuya KIM, walang alam kung ang show nila ang papalit sa ’It’s Showtime’

    IPINAGMAMALAKI ng Santé, isang leading provider ng premier health at wellness products sa Pilipinas, na i-announce ang renewal ng partnership nito sa kanilang brand ambassador na si Kim Atienza.       Kilala bilang si “Kuya Kim,” at humigit isang dekada na siyang mahalagang bahagi ng pamilya ng Santé sapagkat kinakatawan niya ang misyon ng […]

  • 25k katao na pinaghihinalaang may Covid-19, matagumpay na na-isolate ng gobyerno

    MATAGUMPAY na na-isolate ng pamahalaan ang mahigit sa 25,000 katao na pinaghihinalaang mayroong COVID-19.   Layon nito na mapigil ang pagkalat ng nasabing sakit.   Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Sec. Carlito Galvez, chief implementer of the country’s national plan against COVID-19, na may kabuuang 25,430 […]

  • P82.5 bilyong pondo sa bakuna kinapos

    Hindi sapat ang P82.5 bilyon na inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng bakuna ngayong taon laban sa COVID-19, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).     Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na sa P82.5 bilyon, P70 bilyon ang ginamit para sa pagbili ng bakuna at P12.5 bilyon ang inilaan sa “ancillary […]