• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inflation rate umariba sa 6.4% nitong Hulyo

NANANATILING mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong nakaraang buwan, ito kasabay ng pagtaas ng self-rated poverty ng mga Pilipino sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

 

 

“The Philippine’s annual headline inflation continued its uptrend as it moved up further to 6.4 percent in July 2022, from 6.1 percent in June 2022,” ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), Biyernes.

 

 

“This is the highest recorded inflation since October 2018.”

 

 

Mas mataas ito kumpara sa 6.1% inflation rate nitong Hunyo, bagay na una nang kwinestyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Dahil dito, aabot na sa 4.7% ang average inflation mula Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan.

 

 

Ang pangunahing dahilan ng pagtaas na ito ay ang annual higher growth rate sa index ng food and non-alcoholic beverages sa 6.9%, mula 6.0% noong nakaraang buwan.

 

 

Sumunod diyan ang transport index sa 18.1% annual growth, mas mataas kumpara sa 16.1% nitong Hunyo.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng 48% self-rated poverty sa mga pamilyang Pilipino sa nakaraang SWS survey nitong Hunyo.

 

 

“At the national level, food inflation increased further to 7.1 percent in July 2022, from 6.4 percent in June 2022. Food inflation was lower in July 2021 at 4.2 percent,” sabi pa ng PSA. Matatandaang sinabi ni Marcos Jr. sa kanyang nakaraang State of the Nation Address na layon niyang pababain ang poverty rate sa single-digit o 9%.

 

 

Mayo lang nang tumalon sa 6% (katumbas ng 2.9 milyong katao) ang unemployment rate sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Gustong makakilala ng magiging inspirasyon: KYLIE, hindi na itinanggi na nakikipag-date na siya

    SA isang interview kay Kapuso actress Kylie Padilla, natanong kung may bago na siyang lovelife, at hindi naman tumanggi ang bida ng Bolera, na she is presently dating.     Biro pa niya, gusto naman niyang makakilala ng bagong pwedeng maging inspirasyon. At halata sa kanyang mga ngiti na masaya si Kylie. Pero hindi siya […]

  • Dimaunahan may libreng virtual basketball clinic

    LIBRENG aral sa laro ang handog ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s basketball star Christiana Gabrielle Dimaunahan via online.   Ipinahayag kamakalawa ng kasapi ng reigning UAAP six-peat champion National University Lady Bulldog sa kanyang Instagram account, na magkakaroon siya sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado ng free virtual training […]

  • Cheng muling papapako sa F2 Losgistics Cargo Movers

    NASA F2 Logistics Cargo Movers ng semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) ang star volleyball player na si Desiree Wynea ‘Des’ Cheng sapul noon pang taong 2016.     At base sa kanyang Instagram account story, wala siyang planong tumawid ng liga (professional Premier Volleyball League) o lisanin ang kasalukuyang koponan.     Nagkaroon ng tanungan kasama […]