• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala na magpapalawak sa potensyal ng gastronomiya sa Pilipinas, inihain

BILANG paggigiit sa pangangailangan na ganap na mapalawak ang buong potensyal ng bansa sa gastronomiya, hinimok ng isang mambabatas ang paglikha ng isang ahensiya na magiging responsable sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya, at pagsasagawa ng mga programa at oportunidad para sa gastronomiya at sektor ng culinary heritage.

 

 

Iniakda ni Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, Chairman ng Espesyal na Komite ng Creative Industry and Performing Arts, ang House Bill 619 na lilikha sa Committee on Philippine Gastronomy and Culinary Heritage.

 

 

Sa panukala, nilinaw ni De Venecia na bilang pagpapahayag ng kultural na tradisyon, ang gastronomiya at culinary heritage ay bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng Pilipinas.

 

 

“However, there has been no formal government body that is tasked to study and develop the field,” aniya.

 

 

Binanggit ni De Venecia na ang pagkaing Pilipino kamakailan ay tumatak sa mundo ng culinary, sa pamamagitan ng KASAMA bilang unang restorang Pilipino na ginawaran ng unang Michelin Star.

 

 

Inilarawan ni De Venecia ang hinaharap ng Philippine gastronomy na magiging tanyag, basta mayroon lamang maayos na landas para ito ay lumago.

 

 

Sa pagtukoy sa panukala, ang terminong “gastronomy” ay tumutuon sa pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng pagkain at kultura, ang sining ng paghahanda at pagsisilbi ng masagana o maselan at kaaya-ayang pagkain, ang pamamaraan ng pagluluto ng mga partikular na rehiyon,  at ang siyensya ng maayos at wastong pagluluto.

 

 

Samantala, ang “culinary heritage” ay hinggil naman sa mga pagkain o resipi na niluluto at ginagawa ng ating mga ninuno, at pagsasama-sama ng mga pinanggalingan ng mga pagkaing may kaugnayan sa mga aktibidad ng mga grupong kultural o rehiyon.

 

 

Ang panukalang Committee on Philippine Gastronomy and Culinary Heritage ay isasailalim sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa ilalim ng Subcommittee on Cultural Heritage.

 

 

Babalangkasin ng naturang grupo, higit sa lahat, ang mga polisiya, plano at programa upang matiyak ang ganap na kaunlaran, pagsasaayos,  pagpapalawak, pagsusulong at pagpepreserba ng espesyal na pagkaing Pilipino, Filipino culinary heritage, mga minanang pagkain, at gastronomiya. (Ara Romero)

Other News
  • Indibidwal o pamilyang nakatira sa ECQ, makatatanggap ng cash aid mula sa gobyerno

    IBINALITA ng Malakanyang na may matatangap na cash aid ang mga mamamayang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).   Sinabi ni Sec. Roque na may matatanggap na P1,000 hanggang P4,000 na cash aid ang ibibigay kada pamilya sa lugar na nasa ilalim ng ECQ gaya ng Iloilo province, Iloilo […]

  • Alegasyon vs Sen. De Lima, binawi ni Kerwin Espinosa

    BINAWI ng umaming drug lord na si Kerwin Espinosa ang lahat ng alegasyon niya laban kay Senador Leila de Lima sa isinumite niyang ‘counter-affidavit’ sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.     Isinumite na ang counter-affidavit ni Espinosa sa DOJ kahapon, ayon sa abogadong si Ramund Palad. Sinabi ni Palad na saksi siya nang […]

  • PDu30, napanatili ang mataas na approval, trust ratings

    NAPANATILI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang “high approval at trust scores” sa third quarter habang papalapit na ang election season sa Pilipinas.   Ito ang lumabas sa third quarter survey ng political consultancy firm.   Ayon sa PUBLiCUS Asia Inc.’s Oct. 11 to 18 poll, nakapag- rehistro si Pangulong Duterte ng overall approval rating […]