• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huwag hayaan ang dishonesty, pang-aabuso sa trabaho

PINAALALAHANAN  ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kapulisan na magtrabaho na may integridad at huwag hayaang hindi maging tapat at abusuhin ang paggampan sa kanilang tungkulin.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos  ang ika-121 Police Service Anniversary celebration na idinaos sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City.

 

 

Sa naging talumpati  ng Pangulo, hinikayat niya ang mga police officers na gawin ang kanilang makakaya na hindi masasakripisyo ang kanilang integridad  bilang public servants.

 

 

“I enjoined all of you to give it your best as you always have, without sacrificing your integrity as servants of the people. Let us be united in supporting the PNP leadership and its crusade against those who intend to inflict harm and disorder,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Let us continue to conduct our business with utmost integrity and accountability and let us not allow even a hint of dishonesty and abuse to enter that narrative,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Bilang  nangunguna sa kapayapaan,  sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga police officers ay ang isang halimbawa ng uri ng lider sa bansa na kailangan   para  malampasan ang problema.

 

 

“With solid support of vast majority, there is no doubt in my mind that we will overcome and triumph in the end despite all odds,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, pinaalalahanan pa rin  ng Punong Ehekutibo  ang mga police officers na ang paggamit ng dahas alinsunod sa kanilang tungkulin at gampanin ay dapat na “reasonable and justifiable.”

 

 

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na maraming mga police officers ang nagpahayag ng “important values” na maaaring makamit sa pagpapakita at pagganap sa tungkulin.

 

 

Giit pa rin ng Pangulo na  dapat lamang na gawin ng police force ang kanilang tungkulin na patas at walang kinikilingan o pinapanigan.

 

 

“Given the gravity, the seriousness, the difficulty of the responsibility and relative influence that you carry, it is a must that the application of your mandate is firmly grounded on moral principles, integrity, accountability, and honesty to ensure continued public rapport and support from the public for the PNP,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

 

 

“For instance, the use of force must always be reasonable, justifiable, and only undertaken when necessary. Execution of authority must be fair, it must be impartial, it must be devoid of favoritism or discrimination regardless of race, gender, socio-economic status, political affiliation, religious belief, and the like,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala,  binanggit din ng Pangulo ang mga pagsubok na pinagdaanan ng Philippine National Police “as it continues to march forward relentlessly pursuing safety, security, and peace for everyone to enjoy and relish as we go about our daily lives.”

 

 

“To be honest, for the work that you do, I am more than convinced that police service is a calling that not everyone is capable of rendering as it requires a moral standard that is usually inherent in our being and demands enormous commitment and responsibility that sometimes admittedly are difficult to endure,”aniya pa rin.

 

 

Kumpiyansa naman ang Chief Executive na magiging ” great complement” sa kanyang administrasyon ang liderato ni newly-installed PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. lalo na sa pagsisikap ng pamahalaan “towards a complete rebirth and restoration of a brighter, safer, and more prosperous Philippines in the days ahead.”

 

 

“I am confident that we have chosen the right leader in his person to head the PNP so that it continues to evolve, continues to grow, and to develop into a well-balanced institution — effective and capable of steadfastly rendering faithful service to our sovereign nation and all its citizenry,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Sa ilalim  ng liderato ni Azurin, nais ng Punong Ehekutibo na masaksihan ang police organization na mayroong “higher sense of commitment, determination, and cooperation.”

 

 

“Chief PNP General Azurin’s able governance will serve as the impetus that would further develop and strengthen the PNP in its resolve to promote goodwill and harmony in the heart of our motherland,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Matatandaang, noong nakaraang linggo lamang  pormal na umupo si Azurin bilang bagong hepe ng PNP. (Daris Jose)

Other News
  • “SCREAM VI” TEASER TRAILER SETS THE GHOSTFACE KILLINGS IN NEW YORK

    IN a city of millions, no one hears you scream. Check out the official teaser trailer for Paramount Pictures’ Scream VI, in Philippine theaters March 8, 2023.     YouTube: https://youtu.be/rVLFGwSbVGs   Facebook: https://www.facebook.com/watch/?v=826960445033282&ref=sharing   About Scream VI     Following the latest Ghostface killings, the four survivors leave Woodsboro behind and start a fresh chapter. In Scream VI, Melissa Barrera […]

  • Sa gitna ng SCS territorial disputes, Pinas, committed sa kapayapaan -PBBM

    PATULOY na ipinapakita ng Pilipinas ang commitment nito sa kapayapaan sa kabila ng hindi pa rin nalulutas na  territorial disputes sa South China Sea (SCS).     Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa usaping ito.     “It (SCS issue) keeps you up at night, it keeps […]

  • De Lima inabswelto ng korte sa ika-2 kaso kaugnay ng droga

    IBINASURA ng isang korte sa Muntinpula kahapon Biyernes ang ikalawang kasong kinakaharap ni dating Sen. Leila de Lima kaugnay ng iligal na droga — ito matapos aminin ng isa sa mga susing testigo na gumawa siya noon ng pekeng alegasyon laban sa akusado.     Nakita ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na hindi […]