• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 pm nationwide curfew sa menor-de-edad, isinulong

MULING inihain sa Kongreso ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera- Dy ang bill na pagpapatupad ng curfew sa mga menor-de-edad.

 

 

Sa ilalim House Bill 1016, layong ipagbawal ang paggala ng mga menor-de-edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

 

 

Ayon kay Herrera-Dy, hindi lamang pagbabawal ito sa mga minors kundi proteksiyon laban sa iba’t ibang kriminalidad.

 

 

“The bill seeks to mandate and strictly implement a set of hours during night time within which minors are prohibited from remaining outside of the home not only as a means of maintaining public order and safety and preventing the further rise in criminality but also in order to protect minors from potential threat that may arise in the remote environment which may be harmful or detrimental to their development,” ani Herrera-Dy.

 

 

Nabatid na sa ilalim ng “National Curfew Act”, pinapayagan ang ilang exemptions kabilang na ang palabas ng minor na kasama ang magulang o guardian o during emergency.

 

 

Hindi rin mapaparusahan ang minors kung siya ay pauwi na galing party, graduation o religious activities kung mapapatunayan na pinayagan.

 

 

Sa ilalim ng proposed bill ni Herrera Dy, ang menor- de-edad na mahuhuli ay ikokustodiya at kakapkapan ng pulis na pareho ng kanyang kasarian.

 

 

May parusa na 48-oras na community service at P2,000 sa unang offense habang dadalo naman sa Barangay Council for the Protection of Children ang minor at magulang at pagkakaroon na ng intervention ng local DSWD sa pamamagitan ng counselling sa ikatlong paglabag. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, itinalaga si Police Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 PNP Chief

    PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 Hepe ng Philippine National Police (PNP).     Pinalitan ni Marbil si Police General Benjamin Acorda Jr. na nagtapos ang termino dahil sa kanyang pagreretiro kahapon, araw ng linggo, Marso 31, 2024.     “Police Major General Rommel Francisco […]

  • Riding-in-tandem criminals yayariin ni Duterte!

    TATAPATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga riding-in-tandem criminals sa bansa sa pamamagitan nang pagbili ng mabibilis na motorsiklo.   Sa kanyang mensahe sa bayan kamakalawa ng gabi, pinuna ng Pangulo ang pagtaas ng kriminalidad matapos luwagan ang ekonomiya na sinasamantala naman ng mga tandem o mga magka-angkas sa motorsiklo na gumagawa ng krimen.   […]

  • Magsasaka, magsasagawa ng sariling State of the Peasant Address (SOPA)

    TATAPATAN ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at iba pang grupo mula sa agriculture at fisheries sector at food security advocates ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ng sarili nilang State of the Peasant Address o SOPA.     Ang SOPA ay taunang forum na ginagawa para ihayag ang sitwasyon, isyu […]