Ekonomiya ng Pinas mabagal na lumago sa first quarter, pumalo lang sa 8.2%
- Published on August 11, 2022
- by @peoplesbalita
PUMALO sa 8.2% sa unang tatlong buwan ng 2022 ang ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, maituturing na milder o mas banayad ito kumpara sa inisyal na 8.3% rate.
Ang revision o pagbabago ayon sa PSA ay dahil sa downward adjustments sa mga sumusunod na sektor gaya ng “real estate and ownership at 5.9%, from 7.9%, manufacturing at 9.8%, from 10.1% at wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles at 7%, from 7.3%.”
Sa kabila ng mababang pigura, ang first-quarter expansion ng ekonomiya ay nananatiling mabilis kumpara sa 7.8% registered mula Oktubre hanggang Disyembre ng nakaraang taon.
Itinaas din ng ahensiya ang growth estimate para sa Net Primary Income (NPI) mula sa Rest of the World growth, mula 103.2% sa 105.4%.
Ang NPI ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng “inflows and outflows” ng kompensasyon ng mga empleyado at property income.
“However, it also revised downward its estimate for Gross National Income growth from 10.7% to 10.6%. GNI measures the total money earned by a country and covers both its gross domestic product and income from overseas,” ayon sa PSA.
“The Philippine Statistics Authority (PSA) revises the GDP estimates based on an approved revision policy (PSA Board Resolution No. 1, Series of 2017-053) which is consistent with international standard practices on national accounts revisions,” dagdag na pahayag ng PSA.
Nakatakda namang iulat ng PSA ang kanilang second quarter GDP figures ngayong araw ng Martes, Agosto 9, 2022. (Daris Jose)
-
‘Di pa rin nagpa-follow back sa IG account nila: TOM, balitang muling nanliligaw kay CARLA kaya posibleng magkabalikan
MARAMING netizens at fans ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang naghihintay pa rin kung ano ang totoo sa pananahimik nilang dalawa sa issue na naghiwalay na sila. Ayaw na ba nila talagang buksan or i-follow ang kani-kanilang Instagram accounts para naman malaman ng fans nila kung may aasahan […]
-
Mahigit P310-M, naibigay na sa mga operator ng EDSA Carousel
PAPALO na raw sa mahigit P310 million ang nailabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pondo bilang bayad sa bus operators ng EDSA Carousel matapos ma-delay ng dalawang linggo. Tiniyak naman ni LTFRB chairperson Atty. Cheloy Garafil na sapat ang kanilang pondo para sa sahod ng mga bus operators sa […]
-
Pagbubuwis sa luxury items, bahagi ng tax reform-NEDA
BAHAGI ng tax reform program ng pamahalaan ang pagbubuwis sa mga luxury items. “This is still part of making the tax system simpler,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon. Sa ulat, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na pinag-aaralan na ng kanyang komite na patawan ng […]