EMERGENCY CASH LANES sa TOLLWAYS PANATILIHIN HANGGA’T WALA PANG INTER-OPERABILITY ang AUTOSWEEP at EASYTRIP
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
Malapit na ang deadline ng DOTr at TRB sa cash transaction sa mga tollways pero marami pa ring problema sa RFID ang nararanasan ng mga motorista. Hindi pa rin masiguro kung mapag-iisa ang sistema ng Autosweep at Easytrip at ‘baka’ sa June 2021 pa raw ito pero ‘kung’ makikipag-cooperate ang dalawang malalaking negosyo na Autosweep at Easytrip. Kaya ang panawagan ng mga mambabatas ay panatilihin muna na magkaroon ng cash lanes sa mga tollgate.
Sangayon dito ang Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) – hindi kami tutol sa RFID system pero dapat may option ang mga motorista sa mga emergency cases o para sa mga bihira naman dumaan sa tollways. Halimbawa ang mga taxi.
Pagpalagay mo na may RFID sticker sila. Pero naubos ang load. May pasaherong sakay na ang destinasyon ay sa tollgate ang daan –magpapaload ba agad ang taxi driver o pasahero.
At saan sila papaload? Maghahanap pa ng loading station? Sa mga emergency cases naman. Kung bihira ka naman dumaan sa tollgate lalo na yun mga taga probinsya na luluwas isa o dalawang beses isang taon di ba pwedeng cash transaction na lang sila?
Pero baka raw magkahawaan ng Covid19 pag cash transaction? Nilinaw ng World Health Organization na walang specific research na nagpapatunay nito. Sabi ng WHO Spokesperson Fadela Chaib – “We did not say that cash was transmitting coronavirus”. Pero ipagpalagay mo na, di ba pwede maglagay ng payment tray o lagayan ng bayad at sukli – tulad sa mga drive-thru ng mga fastfood restaurants – ang mga operator ng tollways. Hindi naman siguro sila gagastos ng milyon-milyon para dito.
Sana ay pagbigyan ng Dotr at TRB ang pananatili ng emergency cash lanes sa mga tollways para may option ang mga motorista hanggat hindi pa nila naaayos ang inter-operability ng dalawang concessionaires at hindi pa nahaharap at nabibigyang sagot ang mga reklamo ng mga motorista sa loading, barrier at installation.
Wala naman sigurong mawawalang kita ang mga malaking negosyante kung may emergency cash lanes? O may mawawalan nga ba? (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
PNP sa mga retired police officials: ‘Wag idamay ang organisasyon sa political agenda
NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ilang retirado nilang opisyal na huwag idamay ang organisasyon sa kanilang political agenda. Ang panawagan ay ginawa ni PNP spokesperson Pol. B/Gen. Roderick Augustus Alba matapos na makarating sa kanilang kaalaman na may ilang dating police official at organisasyon na nag-eendorso ng mga kandidato […]
-
Co-stars sa serye, nagpaabot ng dasal at suporta: CARLA, palaisipan pa ang dahilan nang pagkaka-ospital
PALAISIPAN pa kung ano ang sanhi ng pagkaka-ospital ng Kapuso actress na si Carla Abellana. Araw ng Miyerkules, August 21 ay nag-post si Carla ng litrato niya na naka-dextrose at may lagnat na 39.6 C. Base sa post ni Carla ay naka-confine siya sa Diliman Doctors Hospital. […]
-
El Niño pinaghahandaan na ng DOH
Maagang naghahanda ngayon ang Department of Health (DOH) sa inaasahang pagdating ng El Niño na maaaring magdulot muli ng iba’t ibang uri ng sakit o outbreaks sa iba’t ibang panig ng bansa. Isang “El Niño Summit” ang isinagawa kamakailan ng DOH kung saan pinulong na ang kanilang mga Medical Center Chiefs, Chiefs of Hospitals, Regional […]