• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-uulit ng DepEd, booster hindi required sa mga estudyante

MULING inulit ng Department of Education (DepEd) na mananatiling hindi mandatory o sapilitan  para sa mga estudyante na tumanggap ng kanilang primary vaccine series at booster shots  bilang paghahanda para sa pagpapatuloy ng “in-person classes”.

 

 

Ito’y sa kabila ng naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko kabilang na sa mga kabataan na magpa-booster shot.

 

 

Sa press conference, tinanong si DepEd spokesperson Michael Poa hinggil sa vaccination policies na ipatutupad ng DepEd  matapos na ihayag ni Pangulong Marcos sa kanyang vlog, araw ng Sabado na kailangan na tiyakin sa lahat lalo na sa mga kabataan na makatatanggap ang mga ito ng kanilang booster  para protektahan ang kanilang mga sarili mula sa COVID-19.

 

 

Aniya, sumusunod lamang ang DepEd  sa national policy na ang pagbabakuna ay hindi sapilitan.

 

 

“Of course, we are one with the President in encouraging everyone to get either vaccinated or get their booster shots kung hindi pa sila nakakapagpa-booster. However, as we all know, the government’s vaccination program is not mandatory in nature. Voluntary pa rin po siya. As a matter of national policy, sumusunod din ang DepEd. Hindi po tayo mandatory sa DepEd,” ayon kay Poa.

 

 

Tiniyak ng departamento na hindi nila idi-discriminate ang kahit na sinuman laban sa mga hindi bakunado mula sa mga bakunado na kapuwa mag-aaral at teaching at non-teaching staff.

 

 

Aniya pa, ang pagsasama ng mga kabataan na bakunado laban sa COVID-19 at iyong mga hindi bakunado ay hindi magiging problema sa face-to-face classes resume.

 

 

Sa kabila nito,  nananatili namang nakikipag-ugnayan ang DepEd  sa Department of Health (DOH) na i- roll out ang  mobile COVID-19 vaccination at i-organisa ang counseling sessions sa hanay ng mga unvaccinated learners sa  mga eskuwelahan.

 

 

Binigyang diin naman ni Poa ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards, bilang tugon sa kalatas ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na “very possible” para sa COVID-19 cases sa bansa na magpatuloy na tumaas sa oras na buksan na ang mga klase.

 

 

“Siyempre po, we take the OCTA Research seriously, nakakatulong naman po ‘yan as guidance for us. However, if you look at other studies also like UNICEF, there is no direct correlation between in-person classes and transmission as long as nandiyan ‘yung minimum health and safety standards natin,” ayon kay Poa. (Daris Jose)

Other News
  • Sen. Bong, aware sa ‘di pagri-renew ni Janine sa GMA-7

    AWARE si Senator Bong Revilla na sa hindi pagre-renew ng GMA-7 sa kontrata ni Janine Gutierrez, may ilang ispekulasyon na kesyo mas pinaboran ng GMA si Senator Bong over Janine.   Na ang puno’t-dulo ay nang mag-comment si Janine sa kanyang Twitter account nang “Oh God” sa anunsiyo ng GMA na comeback show ni Sen. […]

  • Tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang bawat kuwento: CHARO, inamin na new challenge sa kanya ang bagong programa na tungkol sa OFW

    MAY bagong programa si Ms. Charo Santos-Concio.     Ito ay ang ‘Shine On Overseas Pinoy’ kung saan ang mga Overseas Pinoy ay magbabahagi ng kanilang kwento kung paano nila nilabanan ang lungkot na mawalay sa pamilya.     Ibabahagi rin nila ang kanilang karanasan tungkol sa kahalagahan ng pagiging financially stable, pananatiling malusog, pagpapaaral […]

  • Saso 2 palo lang iwan sa opener

    TUMIKADA si Yuka Saso ng Pilipinas ng six-under par 68 para mapag-iwanan lang ng dalawang palo sa pagsisimula kamakalawa, Huwebes ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Championship Minolta Cup 2020 first round sa  JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.   Magara ang umpisa ng 19 na taong gulang na Haponese-Pinay […]