• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela nagbigay ng P4-milyon ayuda sa Isabela at Cagayan

Matapos magpaabot ng P6-milyong tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly, nagbigay naman ang VC Cares Plus Program ng Lungsod ng Valenzuela ng P4-milyon tulong financial assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.

 

Sa ipinasa ng 8th City Council ng City Government ng Valenzuela na Resolution No. 1882, Series of 2020, na awtorisado ni Mayor REX Gatchalian na maglalabas ng pondo mula sa General Fund para sa probinsya ng Cagayan at sa mga nasasakupan nitong munisipalidad ng P2,200,000 halaga ng bigas at P1,800,000 cash naman para sa probinsya ng Isabela at mga sakop din nitong munisipalidad.

 

Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), kasama si Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilor Rovin Feliciano, at Senator Win Gatchalian ang pamamahagi ng tulong sa naturang mga probinsya.

 

Nabatid na malawakang pagbaha ang naranasan ng naturang mga probinsya matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses na sinabayan pa ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam kung kaya’t libu-libong mga kabahayan ang nawasak at lumubog sa tubig baha.

 

Ayon sa NDRRMC, nagtala ng P4 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa mga binahang palayan, P6 bilyong halaga ng mga pinsala sa imprastraktura at 73 ang namatay kung kaya’t isinailalim sa State of Calamity ang naturang mga probinsya.

 

Kamakailan, nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng P 6 milyon financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa ilang lungsod at mga munisipalidad sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, at Catanduanes. (Richard Mesa)

Other News
  • 3 mangingisda, timbog sa P142K shabu

    ARESTADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142K halaga ng shabu sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, […]

  • Jason Statham is Out for Vengeance in the New Red-Band Trailer of ‘Wrath of Man’

    A new red band trailer of MGM’s upcoming action-thriller, Wrath of Man just released.     The trailer arrives with the first official clip of the film, offering a closer look at Jason Statham’s “H,” the disturbingly adept sharpshooter introduced in the first trailer.     Check out below: https://www.youtube.com/watch?v=GFty3DRKEqM     The new trailer is decidedly less […]

  • Identified suspects sa nawawalang sabungero, pumalo na sa 8 – Año

    PUMALO na sa 8 suspek ang in-identify ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng mga nawawalang sabungero.     “At least eight suspects na ang ating na-identify. Sa oras na makuha na natin ang sapat na ebidensya ay hihingin na natin ang tulong ng korte,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año […]