Mga guro na ‘di pa bakunado pwedeng magturo sa F2F classes
- Published on August 17, 2022
- by @peoplesbalita
PINAHINTULATAN na rin ng Department of Education (DepEd) ang mga gurong hindi pa bakunado laban sa COVID-19, na makapagturo na sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.
Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni DepEd Undersecretary Atty. Revsee Escobedo na ang bago nilang polisiya ay payagan na rin ang mga unvaccinated teachers na mag-report sa trabaho at magturo.
Gayunman, kailangan aniya ng mga itong istriktong tumalima sa umiiral na minimum public health protocols, gaya nang pagsusuot ng face masks.
Kailangan din na ang mga silid-aralan na pagtuturuan ng mga ito ay mayroong maayos na bentilasyon.
Ang mga guro naman aniya na makikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ay pinapayuhang magpasuri at manatili na lamang sa tahanan.
Tiniyak ng DepEd na ang mga gurong sasailalim sa quarantine ay magkakaroon ng ‘excused leave with pay.’
Nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa Department of Health (DOH) para sa pagdaraos ng mobile COVID-19 vaccinations sa mga paaralan, para sa mga bata at mga gurong nais nang magpabakuna. (Daris Jose)
-
Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan
NAGBABALA ang National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang Youth Privacy Advocates Annual Summit. “Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and […]
-
Ads January 18, 2024
-
KELOT TIMBOG SA MARIJUANA
Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos mabisto ang dalang marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Art 151 ang suspek na si Kendrick Dolar, ng 1233 Medina St. Brgy. Gen. […]