• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1.4 bilyong pondo sa libreng sakay sa EDSA carousel, aprub ng DBM

APRUBADO  na ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) ang  P1.4 bilyon na Special Allotment Release Order (SRO)  at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na karagdagang pondo para sa pinalawig na “Libreng Sakay” program.

 

 

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang paglalaan ng karagdagang pondo ay suporta sa hangad ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin ang Libreng Sakay ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hanggang Disyembre.

 

 

Sinabi ni Pangandaman, malaking tulong at ginhawa ang nasabing programa sa bulsa ng mga commuter lalo na sa mga estudyante at mga kabilang sa labor force lalo na sa 50 milyong mananakay mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31.

 

 

Ang nasabing karagdagang pondo ay inilabas umano ng DBM noong Agosto 9 at makikinabang dito ang humigit kumulang 628 unit ng mga  public utility bus sa kahabaan ng Edsa busway route sa Metro Manila.

 

 

Magugunita na nagpasya si Pangulong Marcos na palawigin pa ang mga libreng sakay sa Edsa Bus Carousel kasama ang libreng sakay para sa mga estudyante sa mga linya ng tren sa Metro Manila. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Paggamit ng laway para sa COVID-19 test, pinag-aaralan na ng DOH’

    Kinumpirma ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan na ng DOH ang paggamit ng saliva o laway upang malaman kung carrier ng coronavirus ang isang indibidwal.   Ayon kay Vergeire, binubusisi pang mabuti ng ahensya kung magiging feasible ang ganitong test sa Pilipinas kaysa sa nakagawiang pagkuha ng nasal at blood samples. […]

  • Na-enjoy ang bonding nila ni Christophe: GLADYS, nag-hula hoop sa sikat na tourist destinations sa London

    TUNAY ngang super sikat na ang pares overload queen na si Diwata . Pinagkaguluhan si Diwata ng mga businessman, mga celebrity at iba pa na nasa grand ballroom ng Okada Hotel.       Isa kasi si Diwata sa awardee ng katatapos na Asia Golden Icon awards 2024 naNag-hula hoop siya sa Abbey Road, sa […]

  • Lakers nasilat ng Spurs, LeBron ‘di nakalaro namamaga ang paa

    NABIGONG makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs.     Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw.     Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na […]