• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Colegio de San Lorenzo sa QC nag-anunsiyo na ng pagsasara

NAG-ANUNSIYO ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.

 

 

Ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment.

 

 

Ang kolehiyo, na matatagpuan sa Congressional Avenue, ay nagsabing ganap nitong ibabalik ang mga bayad na binayaran ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na para sa school year 2022-2023.

 

 

Idinagdag pa nito na tutulong din ito sa mga mag-aaral sa paglipat sa ibang mga paaralan sa pamamagitan ng paglalabas ng kanilang mga rekord at kredensyal.

 

 

Ang Colegio de San Lorenzo ay umaabot na rin sa tatlong dekada ang operasyon.

 

 

Noong nakaraang buwan, ang Kalayaan College, na matatagpuan din sa Quezon City, ay nag-anunsyo na tatapusin ang operasyon nito pagkatapos ng 22 taon “dahil sa patuloy na pagkalugi sa pananalapi na dulot ng pagbaba ng populasyon ng mga mag-aaral at pinalala ng mga hamon na dulot ng patuloy na pandemya.”

 

 

Sa unang bahagi ng taong ito, ang 107-taon na rin na College of the Holy Spirit sa Mendiola Street sa Maynila ay tumigil din sa operasyon dahil sa kahirapan sa pagpapataas ng enrollment na pinalala ng coronavirus pandemic.

Other News
  • COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas – OCTA

    Tumaas ng may 11 percent ang average daily new cases sa Natio­nal Capital Region (NCR)  o may 701 mula July 13 hanggang July 19, mas mataas  sa dating daily average case na wala pang 700 kaso sa nagdaang  apat na linggo.     Ayon sa OCTA Research Team na ang pagbabagong ito ay isang bagay na dapat bigyang pansin ng […]

  • Ilang NBA stars, hindi pa tiyak na sasali sa Olympics

    Wala pang katiyakan ang ilang NBA stars kung maglalaro sila sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.   Ilan sa mga dito ay sina Golden State Warriors player Stephen Curry, Andre Wiggins at Damian Lilard ng Portland Trailblazers.   Halos magkakapareho ang kanilang kasagutan na hindi pa nila matiyak kung sila ay sasabak sa Tokyo […]

  • Presyo ng bigas posibleng pumalo sa P60/kilo

    NAGBABALA ang isang rice price watchdog na maaaring umabot ng hanggang P60 ang kada kilo ng regular-milled na bigas sa bansa hanggang sa panahon ng Kapaskuhan.     Ang babala ay ginawa ng Bantay Bigas bunsod na rin ng gaps sa lokal na suplay at tumataas na presyo ng international market.     Ayon kay […]