• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ikakasa ang malawakang balasahan sa SRA sa gitna ng sugar import mess, ipinaubaya na sa Kongreso ang imbestigasyon

MAGSASAGAWA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ng malawakang balasahan sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ng mga  key officials nito dahil sa kontrobersiyal na sugar import resolution.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng  Department of Agriculture, na ang nakaambang na  reorganisasyon sa ahensiya, may layong i-promote ang paglago ng sugar industry ng bansa ay maaaring matapos ngayong linggo.

 

 

Layon din ng nasabing hakbang na malaman kung Ilan ang suplay ng asukal sa bansa at kung kinakailangan pa na mag-angkat nito sa panahon ngayon.

 

 

“We’ll reorganize the SRA and then we will come to an arrangement with the industrial consumers, with the planters, the millers, suppliers of the sugar to coordinate para talaga kung ano ’yung mayroon, kung ano ’yung available, mailabas na sa merkado,” ani Pangulong Marcos.

 

 

” ’Yung kulang, eh kunin na natin, kunin na natin. Mag-import na tayo. Mapipilitan talaga tayo, ” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Sara Duterte, nanumpa na bilang ika-15 na bise-presidente ng Pilipinas

    NANUMPA  na  si Sara Zimmerman Duterte-Carpio bilang ika-15 bise presidente ng Republika ng Pilipinas sa  pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.     Nagbigay  ng maikling talumpati si  VP Sara at nanindigan sa kaniyang pagmamahal sa bayan.     “Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — […]

  • Halaga ng government loan na magagamit para ipambili ng bakuna, aabot sa $1.3B

    TINATAYANG aabot $1.3 billion dollar ng government loans ang magagamit ng gobyerno para maipambili ng COVID-19 vaccines.   Sinabi ni Vaccine Czar sec. Carlito galvez, na sa kasalukuyan, malapit na ng ibayad ang halagang ito sa pharmaceutical company na Moderna.   Malapit na kasing matapos ang negosasyon para sa pag-aangkat ng bansa ng Moderna vaccine […]

  • Olympics ‘di pa rin matutuloy sa 2021

    Tokyo – Nangangamba ang organizers ng 2021 Tokyo Olympics na maaaring hindi pa rin matuloy ang summer games kung wala pang made-develop na vaccine o gamot sa COVID-19.   Ayon kay Tokyo Olympics organizing committee president Yoshiro Mori, krusyal para sa na-reschedule na summer games ang vaccine o gamot upang matuloy ang event.   “It […]