• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA PASAHERO APEKTADO ng MALING IMPLEMENTASYON ng NCAP

BAKIT tutol ang Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) sa maling implementasyon ng NCAP e hindi naman daw apektado mga pasahero ng public transport.

 

APEKTADO PO ANG MGA PASAHERO. UUBUSIN NG MALING IMPLEMENTASYON ANG PUBLIC TRANSPORT KAPAG HINDI ITO NAAYOS.

 

Bakit?

 

Hardest hit ng NCAP ang public transport. Kaya ang panawagan ng LCSP sa LTFRB ay makipag coordinate sa mga public transport tungkol dito.

 

Makumbinsi ang LTO na i-renew ang rehistro ng mga units at sa LGU ay i-suspinde muna ang implementasyon.  Apat na malalaking transport groups ang nagsampa na ng kaso sa Korte Suprema upang ipawalang bisa ang NCAP ng mga LGU.

 

Bakit apektado mga pasahero?

 

Dahil ang napipilitang magbayad ng multa ay ang mga operator na HINDI NAMAN LUMABAG SA BATAS TRAPIKO. Daan-daan libo ang binabayaran nila na NCAP violation sa di-umano ay violation ng mga driver. Ia-alarma ng LTO ang rehistro ng mga sasakyan at hindi papayagan mag-renew hanggat hindi nababayaran ang NCAP violation.

 

Katwiran ng mga LGU na dahil driver ng operator yan dapat sila magbayad dahil sa sila ang may supervision sa driver.

 

MALI PO YUN mga sir!

 

Yan po ay kapag FRANCHISE VIOLATION O DI KAYA KAPAG MAY AKSIDENTE. OPERATOR ANG MAY PANANANAGUTAN DYAN.  Pero pag traffic violation PERSONAL SA DRIVER YAN. LISENSYA NG DRIVER ANG TITIKITAN, HINDI ANG REHISTRO. Kung pati multa sa traffic violation ay ipasasagot sa operator PAANO KA MAKAKAPAGDISIPLINA NG DRIVER?  So hindi nag didisiplina ng pasaway na driver ang NCAP.  KINUKUNSINTI NITO ANG PASAWAY NA DRIVER.

 

 

Sabi ng LGU singilin ng operator ang driver – eh di lalayasan lang sya.  BAKIT? DAHIL HINDI NAMAN MAHAHABOL ang LISENSYA ng DRIVER NIYA DAHIL HINDI NAMAN ALAM NG LGU AT LTO NA ANG DRIVER ang TRAFFIC VIOLATOR.

 

Ang interes lang ng LGU ay mabayaran ang multa ng NCAP KAHIT NA HINDI YUNG VIOLATOR ANG NAGBAYAD.

 

So anong pagdidisiplina o pagbabago ng kultura ang sinasabi nila dito? Masahol pa talaga sa kotong ‘to.  Sa kotong yun may kasalanan ang nagbibigay ng ilang daan lang.  Sa ncap YUNG WALANG KASALANAN ANG NAGBABAYAD NG LIBU-LIBO!

 

At umaaray na ang public transport. Dumapa noong pandemya, tumaas ang presyo ng gasolina, nagsipagbago ng hanapbuhay ang mga driver AT NGAYON MALALAKING MULTA SA NCAP NAMAN!

 

AND THERE;S MORE- HINDI MAKA RENEW NG REHISTRO SA LTO!

 

 

Tapos gusto ng gobyerno efficient safe modern public transport? Paano makaka comply ang mga operator?

 

 

LTO ALAM NAMAN NINYO ANG EPEKTO SA PUBLIC TRANSPORT BAKIT HINDI NIYO IRENEW ANG REHISTRO NILA.

 

 

 

ANO ANG BASEHAN NG PAGAALARMA NYO- TRAFFIC VIOLATION?

 

Katumbas na pala yan ng carnapping o hit and run na inaalarma ang sangkot na sasakyan.

 

At sa driver – gasino na lang kinikita ng driver? Tapos mumultahan ng pinakamababa sa P2000 piso!  Sabi ng LGU para madisiplina. Aba! wala sa lugar ang disiplina nila.  Parang sa magulang papaluin at pagsasabihan ang anak na nagkamali. Yun ang disiplina. Pero pag ginulpe na ng magulang ang anak SA NGALAN NG DISIPLINA aba, mali na yun. Ganun ang NCAP.  GINULPE MO ANG DRIVER SA MULTA. KAYA NGA LABAG SA KONSTITUSYON ANG MAGPATAW NG EXCESSIVE FINES!

 

Ano epekto sa pasahero.

 

MABABAWASAN ANG MASASAKYAN DAHIL LUGI ANG MGA OPERATOR AT WALA NANG GUSTONG MAGHANAPBUHAY NA DRIVER. WALA NA RIN MGA DELIVERY MOTORCYCLES na maghahatid ng inyong pangangailangan. Wala ng trucks na magdadala ng goods and services. Hindi kailangan pa manawagan ng tigil pasada.  KUSA NANG TITIGIL YAN.

 

KAYA ASEC GUADIZ NG LTO, BAKIT NAGBAGO KAYO NG PANININDIGAN?

 

ISIPIN NYO EPEKTO NG GINAWA NYO SA PUBLIC TRANSPORT AT MGA PASAHERO!

 

PAYAGAN NYO MA-RENEW ANG REHISTRO DAHIL MANDATO NG LTO YAN. KUNG AYAW NG LTO ISUSPINDE ANG NCAP NILA BAHALA SILA SA BUHAY NILA, BASTA I-RENEW MO ANG REHISTRO SAPAT NA YAN.

 

AT ANG PAG-ASA NATING LAHAT ay ANG KORTE SUPREMA na AT MGA MAMBABATAS NATIN.

(Atty. Ariel Inton Jr.)

Other News
  • SSS naipamahagi na ang mahigit P1-T sa mga miyembro at benipisaryo

    AABOT  sa halos P1.1 trillion na ang naipamahagi ng Social Security System (SSS) sa kanilang mga miyembro, pensioners at mga beneficiaries mula 2016 at 2021.     Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, na ang nasabing halaga ay halos doble sa naipamahagi nila mula 2010 hanggang 2015 na aabot sa P549.59 bilyon.   […]

  • LTO: Papayagan na marehistro ang sasakyan kahit may NCAP violations

    PAPAYAGAN ng Land Transportation Office (LTO) na marehistro ang mga sasakyan kahit na ito ay lumabag sa no-contact apprehension policy (NCAP).       Ayon kay LTO assistant secretary Teofilo Guadiz, susupendihin muna ang pagpapatupad ng alarm tagging sa mga sasakyan na may violations.       Sinabi rin niya na may provisions sa Republic […]

  • ‘Lahar’ posibleng umagos uli sa Negros Island buhat ng matinding ulan — Phivolcs

    NAGBABALA ang state volcanologists tungkol sa muling pag-agos ng “volcanic sediment flows” o lahar buhat ng mga tinatayang pag-ulan ngayon sa Negros Island, ito ilang araw matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.       Ito ang ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolca) ngayong Huwebes ngayong tinataya ng PAGASA ang ilang thunderstorms […]