• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4,600 katao apektado ng bagyong ‘Florita’ habang libo mahigit lumikas

LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Florita habang marami pa ang lumikas na papunta sa loob at labas ng mga evacuation centers.

 

 

Aabot na sa 4,646 katao na ang sinasabing nasalanta ng naturang bagyo, na ngayo’y nasa labas na ng Philippine area of responsibility, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon Miyerkules.

 

 

Narito ang breakdown ng idinulot ng bagyo:

 

apektado (4,646)

 

tinamaang baranggay (60)

 

lumikas sa loob ng evacuation centers (956)

 

lumikas sa labas ng evacuation centers (573)

 

Ilan sa mga napuruhang rehiyong ang Rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

 

 

Martes lang nang magpaskil ang Cagayan Provincial Information Office ng video ng matinding pananalasa ng bagyong “Florita” sa kanilang lugar, dahilan para bayolenteng magsayawan ang ilang mga puno.

 

 

Martes lang nang suspindihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pasok ng dalawang araw sa lahat ng mga opisina ng gobyerno at pampubliko paaralan sa Metro Manila, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan dahil din sa sama ng panahon.

 

 

Ang lahat ng ito kahit na nitong Lunes lang nagsimula ang pagbabalik ng face-to-face classes.

 

 

Ayon sa NDRRMC, aabot na sa P915,176 halaga na ng tulong ang naiaabot ng gobyerno sa Ilocos Region, Bicol at Cordillera.

 

 

“The DSWD Central Office dispatched on Monday, August 22, some 10,000 Family Food Packs (FFPs) bound for DSWD FO II, which will be allocated for the following areas: 1,600 FFPs to Provincial Social Welfare and Development Office of Quirino; 3,400 FFPs to Social Welfare and Development Isabela; and 5,000 FFPs to DSWD Warehouse in Ugac, Tuguegarao City,” ayon sa Department of Social Welfare and Development kahapon. (Daris Jose)

Other News
  • CARDINAL TAGLE NAKUHA ANG COVID SA EROPLANO O AIRPORT

    MALAKI ang paniniwala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakuha ni Cardinal Luis Antonio Tagle, nagpositibo sa COVID-19,ang virus sa eroplano o sa paliparan.   Ito ang inihayag ni Acting CBCP President Pablo David ,dahil nag negatibo naman si Tagle sa swab test na isinagawa sa Rome noong Setyembre 7.   Hindi […]

  • Dasal ni ONYOK na ‘wag sanang mapako ang mga pinangakong incentives kay HIDILYN

    KABILANG ang 1996 Atlanta Olympic silver medalist na si Onyok Velasco na natuwa sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas.     Dasal ni Onyok na huwag sanang mapako ang mga pinangako na incentives kay Diaz tulad sa nangyari sa kanya noong 1996.     “Yung kay Hidilyn, sana […]

  • OVP, dumipensa na pumasa sa audit ng COA ang mahigit P668K halaga ng biniling equipment

    DUMIPENSA ang Office of the Vice President (OVP) na na-validate at pumasa sa audit ng Commission on Audit (COA) ang procurement o pagbili ng ahensiya ng mahigit P600,000 na halaga ng mga kagamitan para sa mabilis na pagpapatayo ng ilang satellite offices nito na nauna ng pinuna ng komisyon dahil sa bigo umano itong sumunod […]