• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OVP, dumipensa na pumasa sa audit ng COA ang mahigit P668K halaga ng biniling equipment

DUMIPENSA ang Office of the Vice President (OVP) na na-validate at pumasa sa audit ng Commission on Audit (COA) ang procurement o pagbili ng ahensiya ng mahigit P600,000 na halaga ng mga kagamitan para sa mabilis na pagpapatayo ng ilang satellite offices nito na nauna ng pinuna ng komisyon dahil sa bigo umano itong sumunod sa procurement process.

 

 

Ginawa ng OVP ang naturang paglilinaw matapos i-call out ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro ang OVP kasunod ng ulat ng COA.

 

 

Una rito, base sa 2022 annual audit report ng COA, napag-alaman ng state auditors ang pagbili ng OVP ng Property Plant and Equipment (PPE) at Semi-Expendable Equipment na nagkakahalaga ng kabuuang P668,197.20 para sa satellite offices nito subalit bigo umano ang OVP na sumunod sa procurement law.

 

 

Ipinaliwanag naman ng OVP na ang mabilis na pagtatatag umano ng kanilang satellite offices nang walang sapat na equipment para mag-operate ay humantong sa desisyon ng OVP na agad na bumili ng naturang mga equipment gamit ang pera ng kanilang mga officer na binayaran din naman kalaunan ng OVP sa pamamagitan ng reimbursement.

 

 

Iginiit din ng OVP na wala naman umanong inisyu ang COA na notice of suspension o disallowance kaugnay sa nasabing procurement. (Daris Jose)

Other News
  • BF.7 dapat ikabahala – expert

    DAPAT umanong ikabahala ng mga health authorities sa bansa ang presensya ng Omicron subvariant na BF.7 dahil sa kakayahan nito na muling magpataas ng mga kaso tulad ng nangyayari sa China. “Well, that is a concern considering that we are not having accurate information coming from China and China has a past history of not […]

  • PORTASOL: Rain or Shine Drying Partner

    ANG pagpapatuyo sa araw ay isa sa mga pangkaraniwan at tradisyonal na pamamaraan ng pagpapanatili ng pagkain sa Pilipinas. Bagaman ang gastos ng proseso ay medyo mura, ang pagpapatuyo sa araw ay nagiging problema sa panahon ng tag-ulan. Gayundin, ang mga produktong pinatuyo sa araw ay mas madaling kapitan ng kontaminasyon sa mikrobyo dahil sa […]

  • Bulacan, susunod sa uniform travel protocol ng IATF

    LUNGSOD NG MALOLOS– Ipinatupad ni Gob. Daniel R. Fernando ang uniform travel protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa kanyang pinakabagong inilabas na executive order kung saan hindi na kailangan ng travel authority at COVID testing bago makapasok sa Lalawigan ng Bulacan.     Ayon sa Seksyon 4 ng Executive Order No. 5, series of 2021 […]