Kevin Durant, pumayag na manatili sa Brooklyn Nets matapos kausapin ng management
- Published on August 25, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ngayon ng management ng Brooklyn Nets na mananatili pa rin sa kanilang team ang NBA superstar na si Kevin Durant.
Ang “pag-move forward” na ng Brooklyn ay matapos na mabigo na makakuha ng deal sa ibang team na pampalit sana sa paglipat kay Durant.
Kung maalala mula pa noong June 30 humihingi na ng trade si Durant, 33.
Naging dahilan ito nang pagbuhos ng mga interesadong teams upang makuha sana ang serbisyo ng dating MVP, tulad na lamang ng Boston Celtics, Miami Heat, Memphis Grizzlies, Philadelphia 76ers at Toronto Raptors.
Gayunman ayon sa statement ng general manager ng Brooklyn Nets na si Sean Marks, iniulat nito na kinausap nila si Durant kasama ang coach na si Steve Nash Joe Tsai at Clara Wu Tsai doon sa Los Angeles para magkapaliwanagan.
Sa ngayon aniya, nakapokus na sila sa basketball at iisa lamang ang layunin at ito ay makuha ang kampeonato.
Ang tinaguriang isa sa “deadliest offensive weapon sa NBA” na si Durant ay merong apat na taong kontrata sa Nets.
Kung maalala ang isa pang NBA star na si Kyrie Irving ay humingi rin ng trade sa Brooklyn pero sa huli ay hindi rin natuloy at mananatili pa rin siya sa team para muling magsama ng puwersa kasama si Durant.
-
2 malaking karera kakaripas ngayon
MAY dalawang malaking karera ang itatakbo ngayong Linggo, Disyembre 13 sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Ang mga ito ay 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Lakambini Stakes Race at 2020 Juvenile Championship. Pero dahil galit ang bayang karerista sa operasyon ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) sa mga patayaan nitong […]
-
Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko
PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary. Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong […]
-
15% senior discount sa kuryente, tubig
LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang maitaas sa 15 porsiyento ang diskwento ng mga senior citizen na may bayarin sa tubig at kuryente. Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga residente na ang konsumo sa kuryente ay hindi hihigit sa 100 kilowatt hour kada buwan […]