• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagay naman dahil magaling siyang magluto at mag-bake: AI AI, endorser na rin ng isang culinary school na kung saan kumuha siya ng short course

JUST finished watching “Memories of a Love Story,” a film by Joselito “Jay” Altarejos starring Oliver Aquino, Migs Almendras and Dexter Doria.

 

Hindi nga ba pwedeng magkaroon ng happy ending ang love story ng isang mahirap (Eric) at isang mayaman (Jericho)?

 

The movie shows us na dahil sa pagkakaiba ng social classes, malabo talaga ang happy ending. Kahit na in their own way and because they love each other, sinubukan nina Eric and Jericho to find a way to connect, hindi talaga pwedeng magtagpo ang langit at lupa.

 

Hindi kayang burahin ng pag-ibig ang malaking agwat ng kanilang social classes. What is acceptable to the poor is not acceptable to the rich.

 

Kahit na ano pang adjustment ang gawin ng bawat isa, there is the problem of full acceptance of the circumstances.
Mahusay ang performance ni Oliver as Eric pero hindi naman nagpahuli si Migs.

 

Oliver proves once again that he is a good actor who is capable in taking a role and making it his own. Migs is not far behind but the movie belongs to Oliver.

 

Congratulations to direk Jay. Now streaming on Vivamax.

 

 

For a change ay nakapanood kami ng isang Vivamax movie na walang extended sex scenes.

 

 

As usual, hindi kami binigo ni Direk Jay. Matino ang pelikula at pinag-iisip ka while watching. Pwedeng mag-agree ka sa mensahe or di mo magustuhan ang ending peto worth watching from beginning to end.

 

 

***

 

 

DAHIL mahilig naman si Ms. Ai Ai delas Alas sa pagluluto kaya keri naman na kunin siyang endorser ng isang culinary school.

 

 

Today, nakatakdang pumirna ng kontrata sa Treston International College si Ai Ai bilang endorser ng kanilang culinary school. Matatandaan na noong 2021 doon nag-graduate si Ai Ai ng short course in Pastry and Bakery Arts.

 

 

Bagay naman si Ai Ai na maging endorser dahil bukod sa mahusay siyang magluto ay nanay pa siya.

 

 

Kaya tiyak na maraming mga nanay ang makaka-relate sa bagong endorsement na ito ni Ai Ai.

 

 

Pwede rin maengganyo ni Ai Ai ang ibang mommies na mag-enrol sa culinary school para matuto ng added skills.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • USAPANG “ESSENTIAL” sa PANAHON ng ECQ

    Ang mga motorcycle delivery riders at ang mahalagang papel nila sa ekonomiya sa panahon ng pandemya.     Marami nang nag viral na mga insidente ng pagtatalo ng mga delivery riders at mga bantay o enforcers sa mga checkpoints.  Pinagtalunan pa nga kung ang lugaw ay essential o hindi.  Sabi nga noong enforcer “mabubuhay ka naman ng […]

  • No class size limit para sa in-person classes — DepEd

    HINDI magtatakda ang Department of Education (DepEd) ng class size limit sa oras na magpatuloy na ang  face-to-face classes sa Nobyembre.     Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na walang “prescribed class size” dahil magkakaiba naman school classroom situations.     Gayunman, tiniyak nito na ire-require pa rin ng DepEd ang […]

  • NBA: James Harden, Nikola Jokic nasa Orlando na matapos ang mga delay

    Nakarating na sa Walt Disney World Resort Campus sa Orlando, Florida si NBA star James Harden para humabol sa Houston Rockets na naghahanda sa muling pagpapatuloy ng 2019-20 season.   Ngayong Miyerkules nang dumating sa Florida si Harden, limang araw matapos mauna ang kanyang team na Houston Rockets na magtungo sa campus.   Hindi naman […]