• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP at DTI, inatasan ni PBBM na tumulong para mapababa ang presyo ng mga pagkain

INATASAN  ni PANGULONG Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na lutasin ang mga logistical challenges na kinakaharap ng mga transporter at cargo forwarders ng mga produktong pang-agrikultura para mapababa ang presyo ng mga bilihin sa pagkain.

 

 

Inilabas ng Chief Executive ang direktiba sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

Binigyang-diin niya kung paano “hindi hinahawakan” ng gobyerno ang mga reklamong inihain ng mga direktang nagdadala ng mga produktong pang-agrikultura papunta at pabalik sa palengke.

 

 

Ipinanukala ang muling pagbuhay sa mga express lane para sa mga food truck, na isinagawa sa panahon ng pandemic-induced lockdown.

 

 

Kung maaalala, nagtatag ang nakaraang administrasyon ng mga “dedicated lanes” upang matiyak ang walang sagabal na paggalaw ng lahat ng pagkain at iba pang mahahalagang kargamento sa panahon na ipinatupad ng gobyerno ang mga paghihigpit dahil sa pagsiklab ng sakit na coronavirus.

 

 

Sinabi naman ng DILG, sa pinakahuling ulat nito sa Pangulo, na tatalakayin nila sa Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na magkaroon ng “free flowing” passage para sa mga produktong pang-agrikultura sa mga checkpoint.

 

 

Ang isa pang posibleng paraan ng pag-streamline ng logistik ay sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

Other News
  • P25/kilong bigas hiling pabahain sa lahat ng palengke

    MABILIS  na inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang isama ang tobacco smuggling bilang economic sabotage.     Napagkasunduan din ng komite na mag-draft ng committee report para i-endorso sa plenary ang panukalang batas na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. […]

  • 20-anyos na wanted sa sexual offenses, nabitag sa Valenzuela

    TIMBOG ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD), sa pamamagitan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa manhunt operation ang isang kelot na wanted sa kasong sexual offenses sa Valenzuela City.     Ayon kay NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng DDEU hinggil sa kinaroroonan ng 20-anyos […]

  • Marian, takot pa ring lumabas ng bahay dahil sa mga anak

    INAMIN ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa interview sa kanya ng 24 Oras, na takot pa rin siyang lumabas ng bahay dahil sa pandemya, kaya work from home na lamang muna siya.   Kaya thankful si Marian sa GMA Network na pinayagan siyang sa bahay lamang nila siya mag-shoot ng mga spiels niya para […]