• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P453-B inilaan para sa climate-related expenditure para sa 2023

ISASAMA  sa panukalang National Expenditure Program (NEP) for 2023  ang P453 billion para sa climate change adaptation at mitigation programs at projects.

 

 

Sa isang  press statement, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang climate-related expenditure para sa susunod na taon ay 56.4% na mas mataas kumpara sa P289.73 bilyon ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nag-document ang kanyang tanggapan  ng  average na 21.3 percent increase sa climate-related expenditures mula  2015 hanggang 2023.

 

 

“With the continuous help of implementing agencies and of every Filipino, we can work towards climate resiliency to safeguard a sustainable future for our country,” ayon kay Pangandaman.

 

 

Ang  joint memorandum ay naglalayong “i-  track, monitor, and report programs that help address and alleviate problems posed by climate change.”

 

 

Ang CCET process ay hakbang para sa progreso sa implementasyon ng climate change initiatives.

 

 

Tinukoy ang  CCET results, sinabi ng  DBM na  P264.89 billion ay inilaan para sa Water Sufficiency projects na binigyang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon, P131.51 billion para sa Sustainable Energy; at P40.78 billion para sa Food Security.

 

 

Makatanggap ang Department of Public Works and Highways ng  budget allocation na P168.9 billion para sa Flood Management Program.

 

 

“This will cover the construction and rehabilitation of flood-mitigation structures and drainage systems nationwide,” ang pahayag ng  Budget department.

 

 

Ang National Greening Program ng  Department of Environment and Natural Resources ay makakakuha ng P2.49 billion para sa pagtatanim ng  6.18 million seedlings sa 11,631 hectares ng land resources, Protected Areas Development and Management Program, at Management of Coastal and Marine Areas.

 

 

Nakatuon ang pansin ng Pangulo sa pagtugon sa climate change dahil sa kinikilala nito ang Pilipinas bilang  “one of the most vulnerable countries to the impact of extreme climate disasters.” (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 20, 2021

  • RIDER, PATAY SA CLOSED VAN

    PATAY ang isang rider nang banggain ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang closed van, subalit imbes na tulungan ang driver nito ay  pinaharurot papalayo  sa harapan ng St Jude Church sa Tondo, Manila Martes ng umaga     Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si  Christian Darren Isla y Del Mundo, 25, isang Field […]

  • PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo

    MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko.   Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw.   “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako […]