• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Education aid payout, generally smooth

“GENERALLY smooth” ang ginawang distribusyon ng educational assistance sa mga estudyanteng benepisaryo sa  Department of Social Welfare and Development-designated payout centers na nagpatuloy, araw ng Sabado, Agosto 27 maliban lamang sa mga “isolated hitches” o hadlang sa ilang lugar sa bansa.

 

 

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Rommel Lopez na “generally smooth” ang  nationwide distribution ng educational aid.

 

 

Nauna rito, sinabi ni  DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang cash distribution ay tatapusin sa loob ng anim na Sabado na nagsimula na noong Agosto 20 at magtatapos sa Setyembre 24.

 

 

“However, there were some hitches in the process on the second Saturday of the payout,” ayon kay Lopez.

 

 

Dahil sa pagdagsa ng tao na karamihan ay walk-ins — sa  Boac, Marinduque ay nagdesisyon ang DSWD, Philippine National Police (PNP), at local government unit (LGU) na kanselahin ang payout.

 

 

“Gayunpaman, ito ay tinitingnan ng DSWD Central Office na mga isolated places lang naman po, kasi, overall po sa bansa ay maayos po ‘yung pamamahagi ng educational payout na nangyare. So tinitingnan po natin ‘yung mga isolated situation in some places, pero sinisiguro po ng DSWD na aayusin din po natin ‘yung sistema dito po sa mga apektadong lugar,” ayon pa rin kay  Lopez.

 

 

At dahil sa pagkalito at mahabang pila noong nakaraang Agosto  20 -ang unang anim na Sabado na itinakda para sa  payout — nagpasaklolo na ang DSWD Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag- request sa LGUs para sa technical assistance. (Daris Jose)

Other News
  • Gaya ng ginawa sa ‘Miss Grand Philippines 2023’: HERLENE, gagamit uli ng interpreter sa ‘Miss World Tourism’ sa London

    KINUMPIRMA ni Herlene Budol na muli siyang gagamit ng interpreter sa Miss World Tourism sa London, gaya ng ginawa niya sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023.       Ginulat ng bida ng ‘Magandang Dilag’ ang lahat nang gumamit siya ng interpreter sa Q&A portion.       “Oo. Dito nga po sa […]

  • KAPUSO STAR YSABEL ORTEGA, ANG REYNA NG SANTACRUZAN 2024 SA BINANGONAN

    Ang Santacruzan ay isang nakagawiang  Filipino tradition, na muling bibida sa mga kalsada ng Libid Binangonan sa Mayo 5, 2024 sa pamumuno ng  Sangguniang Barangay at Sangguniang kabataan ng Libid.Lalahukan ito ng nasa 24 barangays.  Ang isa sa mga highlights ay ang pagdalo ng talent ng GMA 7, ang young  superstar na si Ysabel Ortega […]

  • NBI, NAG-IIMBESTIGA SA MGA FIXERS SA BI

    PINAKIKILOS  na rin ng Department of Justice (DOJ)  ang National Bureau of Investigation (NBI)  upang imbestigahan ang naiulat na bagong modus sa loob ng tanggapan gn Bureau of Immigratuon (BI).     Partikular na ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra  ang mga fixers  sa BI na iligal na nagpapasok ng mga Chinese national sa pamamagitanm […]