• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB, pinalawig ang deadline ng aplikasyon para sa special permit ng mga ibinalik na PUB routes

PINALAWIG  pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon sa special permit ng mga binuksang ruta.

 

 

Sa abiso ng LTFRB, maaari pang mag-apply ng special permit ang mga bus operators hanggang sa katapusan ngayong buwan.

 

 

Inihayag din ng ahensya na valid at epektibo na ang mga naunang naisumiteng aplikasyon kahit wala pang SP, basta’t may hawak na itong received copy Land Transportation Office (LTO); at Valid Personal Passenger Accident Insurance.

 

 

Kung maalala, nasa 33 ruta ng PUBS ang binuksan ng LTFRB simula noong Aug. 18, na bahagi ng paghahanda sa balik-eskwela ng mga estudyante.

 

 

Sa pinakahuling datos ng ahensya, nasa 3,000 bus units na ang binigyan ng SP para maka-operate sa mga binuksang ruta.

Other News
  • Alapag hangad na mapasama sa coaching staff ng Kings sa NBA

    Umaasa si dating PBA point guard Jimmy Alapag na mapapasama siya sa coaching staff ni Sacramento Kings’ head coach Luke Walton para sa darating na NBA season.     Ito ay matapos pagharian ng Kings ang 2021 NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada kung saan nakasama si Alapag bilang isa sa mga assistant ni […]

  • Gold kay Junna Tsukii

    Pinalakas ni national karateka Junna Tsukii ang kanyang pag-asang makasipa ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Ito ay matapos talunin ni Tsukii si Moldir Zhangbyr-bay ng Kazakhstan, 2-0 sa final round ng women’s -50 kilogram kumite at angkinin ang gold medal sa 2021 Karate 1 Premier League noong Linggo […]

  • PBBM, nais na gawing ‘perpektong turismo’ ang Pinas, entertainment destination

    COMMITTED si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang Pilipinas bilang ‘premier destination’ para sa turismo, relaxation, at entertainment, na naka-ayon sa pananaw ng Bagong Pilipinas.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Solaire Resort North sa Bagong Pag-asa, Quezon City, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nakagawa ng ‘impressive recovery’ ang […]