• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanong niya, “Lord what I have done to deserve this kind of love’: MAINE, ginawang ‘prinsesa’ ni ARJO sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga

LAST Sunday, August 28, after one month ng kanilang pinag-usapang engagement, sabay na nag-post ng isang nakaka-touch na video sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kani-kanilang Instagram account.

 

Nilagyan nila ito ng caption na, Been a month and it still feels surreal. Me and you, what a feeling. 💍”

 

 

Mapapanood nga sa video ang ilang eksena na naganap sa proposal, na maraming pinaiyak sa nakaka-touch na mensahe ni Arjo.

 

Unang nabanggit ni Arjo sa interview sa kanila ni Maine, na noong araw na nag-propose siya (July 28) ay parehong araw na nag-tweet si Maine ng, “She tweeted Arjo cutie today,” Sagot ni Maine, “Ah today?”

 

 

“Yeah, July 28, 2013,” sagot naman ng actor-turned-politician.

 

 

Dagdag pa niya, “This is the day I met her also, July 28, 2018. And now I proposed July 28, 2022.”

 

 

Pahayag pa ni Arjo, “After four years, I still can’t get enough of you. Because my love for you just keeps growing.

 

 

“When our relationship started both our families have taken in a lot of punches and still they never stop us. It didn’t stop anything between us. For that, I’m very thankful to both sides of our families for accepting. Cause at the end of the day I just wanted to love you truly.”

 

Inamin niyang dapat sana ay last year pa naganap ang proposal, pero may nangyaring hindi inaasahan at may kinalaman ito sa kanyang pamilya.

 

Isang taon na raw niyang nakita o nabili ang engagement ring na alam naming pinatago muna niya sa kanyang Mommy Sylvia Sanchez. Naging emosyonal nga si Arjo habang binabanggit ang kanyang speech. Say niya, “I’ve always been sure of you, and in always, every day,” sabay luhod at tinanong si Maine ng “Will you marry me?”

 

 

At masaya naman at walang kaabog-abog na nag-yes si Maine.

 

Ibinahagi naman ni Maine kung paano siya alagaan ni Arjo at kung gaano siya kasuwerte na natagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya.

 

Sabi niya, “Lagi kong sinasabi, para ‘kong prinsesa sa kanya.

 

“The way he loves and cares for me, parang sobra.

 

“And sometimes I really asked the Lord what I have done to deserve this kind of love.”

 

Dagdag pa ng Phenomenal star, “I always prayed to find the man who’s gonna love me for who I am. And then, you came.”

 

Nakakatuwa ring mabasa ang comment ng solid AlDub fans sa post nina Arjo at Maine, na may naiyak din sa tuwa para sa kanilang ini-idolo.

 

 

“Mapaka-magical. Naiyak ako. 😭♥️ Dati ayoko kay Arjo para sayo kase solid aldub ako. But he’s making you happy that’s why tinanggap ko na na kayo talaga ang para sa isa’t isa. Nakita ko kung gano nyo kamahal ang isa’t isa. I’m happy for you. I love you. And i’ll keep my promise that I will be your last fan standing♥️♥️♥️”

 

 

“Same here I’ m a diehard AlDub fan, pero nagkaron ng Arjo aun nag move on nako at tinanggap kona, ganun tlga e, bsta ang mahalaga happy c Maine at tlgang love nila ang isat isa.”

 

 

Congrats Arjo and Maine, dahil dasurv na dasurv nyo ang isa’t-isa!

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Women’s football team ng bansa pasok na sa World Cup

    NAKAPAGTALA ng kasaysayan ang Philippine women’s football team matapos na makakuha ng spot sa FIFA Women’s World Cup 2023.     Tinalo kasi nila ang Chinese Taipei sa 4-3 sa penalty shootout sa AFC Women’s Asian Cup quarter-final na ginanap sa Pune, India.     Itinuturing na bayani sa laro si Olivia McDaniel matapos na […]

  • MATANDANG BINATA KULONG SA PANGMOMOLESTIYA SA 4 NA DALAGITA

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 54-anyos na binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa apat na dalagita niyang kapitbahay sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Lango pa sa alak si Danilo Garcia, walang trabaho at residente ng 37 Don Basilio Bautista Blvd. Brgy. Hulong Duhat nang dakpin ng mga tauhan ni P/Maj. Patrick […]

  • NAVOTAS LUMAGDA SA MOU PARA SA MAKABATA HELPLINE

    PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod.     Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales.     Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod […]