• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, tiniyak na kontrolado ang ASF sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ipahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan.

 

 

Naglabas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ng Executive Order No. 35 na nagpapatupad ng pansamantalang pagbabawal ng pagpasok ng mga buhay na baboy at produktong baboy sa Lalawigan ng Aurora mula sa mga lalawigan na may kaso ng ASF kabilang ang Bulacan, Pampanga at Tarlac mula Agosto 30, 2022 hanggang Setyembre 30, 2022.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Panlalawigang Beterinaryo Dr. Voltaire G. Basinang na may naitalang kaso ng ASF sa bayan ng Santa Maria na naging dahilan upang magpatupad ang Aurora ng pork ban.

 

 

Samantala, binigyang diin niya na hindi makaaapekto ang pork ban sa mga Bulakenyong hog raiser.

 

 

“Ang naturang ban ng Aurora sa baboy ng Bulacan ay nag ugat sa muling pagkakaroon ng kaso ng ASF sa isang babuyan sa Santa Maria. Bagama’t ang nasabing kaso ng ASF ay nakontrol na at hindi na kumalat, minabuti pa rin ng Aurora na maglatag ng pansamantalang ban sa ating mga baboy. Hindi naman ito makaka abala sa ating mga magbababoy dahil ang ating mga baboy ay sa Bulacan at Metro Manila lamang dinadala. Napakaliit na porsyento ng ating baboy ang napupunta sa Aurora kung mayroon man,” paliwanag ni Basinang.

 

 

Kaugnay nito, agad ipinag-utos ni Fernando ang mahigpit na pagbabantay sa mga babuyan at siniguro na gagawin ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga kinakailangang aksyon upang suportahan ang mga hog raiser sa lalawigan at tiniyak sa publiko na ligtas kainin ang mga produktong karne na nagmula sa Bulacan.

 

 

“Bilang punong lalawigan, nauunawaan ko ang desisyong inilabas ng Pamahalaang Lalawigan ng Aurora. Naiiintindihan ko ang responsibilidad na protektahan ang kanilang nasasakupan at marahil ganoon din ang ating gagawin sa lalawigan. Bagaman wala pang tiyak na bakuna laban dito, walang dapat ipag-alala ang ating mga Bulakenyo hog raiser dahil sinisiguro ko na ang ating Pamahalaang Panlalawigan ay nangunguna sa pagsasagawa ng cleaning at disinfection sa bawat lungsod at munisipalidad upang mahigpit na mabantayan ang pagkalat pa nito,” anang gobernador.

 

 

Sa ngayon, wala pang ibang kaso ng ASF ang naitatala sa Bulacan at ilang babuyan na rin ang muling nagbukas ayon sa Provincial Veterinary Office. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • MMDA: Trapik, lalo pang sisikip habang papalapit ang Pasko

    INAASAHAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko.     Ayon kay MMDA chairperson Atty. Romando Artes, dapat nang asahan ng publiko ang masikip na traffic simula ngayong araw, Disyembre 7, na hudyat ng Christmas season.     Partikular na tinukoy ni Artes […]

  • PBBM, ipinag-utos sa DOH na paigtingin pa ang bakunahan ng booster shot sa bansa

    SINABI  ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay hindi pa nakakamit ng lahat ng rehiyon sa Pilipinas ang kanilang 50 percent target population sa bakunahan naman ng booster shot.     Habang ang National Capital Region (NCR) naman aniya ang pinakamalapit nang maabot ang target na umaabot na sa 43 percent ng target […]

  • POKWANG, nag-react sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang ‘dating app’; manggagantso, planong ireklamo sa NBI

    NAG-REACT si Pokwang sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang dating app.   At tila plano nitong ireklamo sa N.B.I. (National Bureau of Investigation) ang pangyayari.   Pinost nga niya sa kanyang Instagram account ang post ng isang netizen na may pangalan sa kanyang Facebook na Marl B. Mendoza at tila miyembro o baka admin […]