• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bishop Blue nagwagi

PINAGALANDAKAN ni Bishop Blue sa paghinete ni RM Garcia ang bilis sa paspasan upang mapanalunan ang Three-Year-Old & Above Maiden Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

Nakiramdam muna ang class A rider at si Bishop Blue sa bandang likuran habang tangan ni Beli Bell ang trangko. Kasabay ni top favorite Bishop Blue si Doctor Amorette sa paghabol sa lamang ng limang kabayo ni Beli Bell papasok ng far turn.

 

Pero pagdating ng rektahan parang sibat na nilampasan ng winning horse si Beli Bell at namayagpag nang may apat na kabayo ang distansya.

 

“Mahusay pala ang Bishop Blue, future champion yan,” bigkas ni Carlos Fermin na isang karerista.

 

Sinubi ni Bishop Blue ang added prize P10,000, na umentra ng meta sa tiyempong 1 minuto at 32 segundo sa 1,400-metrong karerahan.

 

Pangalawa si Beli Bell, pangatlo si Doctor Amorette at pang-apat si Major Ridge. (REC)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 39) Story by Geraldine Monzon

    NAKABALIK na si Andrea sa tunay niyang mga magulang at sa mga susunod na araw ay magiging abala na sila para sa kanyang welcome party bilang si Bela. Habang si Jeff ay sinubukang kontakin si Jared upang malaman ang kinaroroonan ni Andrea. Pero nabigo siyang makakuha ng impormasyon mula sa binata.   “Malaman ko lang […]

  • Mahigit 9K balota para sa local absentee voting, naisumite na sa Comelec

    AABOT  na sa mahigit 9,105 nakumpletong balota para sa local absentee voting ang natanggap ng Commission on elections (Comelec).     Ang partial reports sa bilang ng accomplished ballots para sa local absentee voting na natanggap ng Reception and Custody Units ay mula sa Philippine Army (926), Philippine Air Force (1,731, Philippine National Police (3,929) […]

  • 2023 FIBA World Cup plan inilatag ng SBP

    PUSPUSAN na ang pag­hahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para masiguro ang ma­tagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.     Inilatag ng SBP ang lahat ng plano nito para sa World Cup na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 kung saan makakatuwang […]