• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno

Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan.

 

Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of the Philippines, Post Office at Bulwagang Rodriguez.

 

Maraming salamat po kay Mr. Norman Francis Juban Blanco, designer at painter na tubong Angono, Rizal, para sa pagdisenyo ng ating napakagandang Christmas Tree.

 

Maraming salamat din po sa Chooks-to-Go for turning over 100 packs of chicken na ipinamahagi natin kahapon sa mga nanood ng ating Christmas Tree Lighting ceremony.

 

Tuloy po ang kasiyahan ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila kahit po may pandemya. Ngunit paalala po, panatilihin po natin ang pagsunod sa public health protocols tulad ng pagsuot ng face masks at face shields, pati na rin ang paghuhugas ng kamay.

 

Maligayang Pasko po sa bawat Batang Maynila.

Manila, God First! (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Other News
  • Thankful sa pagiging kontrabida: LIEZEL, pinaghandaan ang mga confrontation scenes nila JASMIME

    NASA South Korea na ang runners para sa second season ng ‘Running Man Philippines!’     Sinalubong ng winter season sa South Korea sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, and Angel Guardian.     Ngayong second season, extra challenging ang labanan dahil tag-lamig at nagyeyelo pa sa South […]

  • Educational assistance sa HS students, binigay ni Cong. Tiangco

    NAMAHAGI si Congressman John Reynald Tiangco kahapon (Huwebes) ng educational assistance para sa mga junior high school students sa Navotas.   Nasa 1,100 mga estudyante mula sa mga pampublikong high school sa lungsod ang tatanggap ng P5,000 para sa school year 2019-2020.   Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga magulang na siguruhing sa pag-aaral ng kanilang […]

  • Communication plan sa pagbubukas ng ekonomiya, ilalatag ng gov’t – Palasyo

    Maglalatag ng communication plan ang pamahalaan sa harap ng sinisimulan ng pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatawagin nila itong ‘Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay.”   Ayon kay Sec. Roque, paghahanap-buhay lang talaga ang nakikitang pamamaraan ng pamahalaan para muling makabangon ang ekonomiya at sa harap ng agam-agam ng […]