• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals tinunghayan ng 6.9 milyong viewers

KABUUANG 6.9 milyong viewers ang tumunghay sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng San Miguel at TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.

 

 

Bukod pa ito sa 15,195 live audience na sumugod sa Smart Araneta Coli­seum para personal na saksihan ang 119-97 pagsibak ng Beermen sa Tropang Giga sa nasabing laro.

 

 

Tinutukan ng 6.9 mil­yong basketball fans sa  free-to-air channels ng TV5 at One Sports ang huling duwelo ng SMB at TNT sa kanilang best-of-seven championship series .

 

 

Ang 6.85% na ave­rage minute TV rating ang ika­anim sa top-ranked program noong Linggo sa lahat ng mga networks at channels sa bansa.

 

 

Hindi pa kasama ang mga social media views sa Smart Giga Play at SMART Sports Facebook page pati na ang cable channel na PBA Rush.

 

 

Diniskaril ng Beermen ang hangad na back-to-back Philippine Cup championship ng Tropang Giga na hindi nagabayan ni coach Chot Reyes matapos isailalim sa PBA health and safety protocols isang araw bago ang Game Seven.

 

 

Ibinigay ni veteran point guard Jayson Castro ang lahat ng kanyang makakaya kahit na may sprained right ankle na natamo sa Game Five para sa PLDT franchise.

 

 

Tumapos ang 36-an­yos na si Castro na may game-high na 32 points.

 

 

Nakamit naman ng SMC franchise ang ka­nilang ika-10 All-Filipino Cup title at pang-28 sa kabuuan.

 

 

 

Kasalukuyang nasa break ang SMB at TNT bago sumalang sa ensayo para sa darating na 2022 PBA Commissioner’s Cup na didribol sa Setyembre 21.

Other News
  • Ilang miyembro ng Paralympic team positibo sa COVID-19

    Bagama’t may nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay natuloy pa rin ang biyahe ng limang national para athletes kahapon para lumahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.     Sinabi kahapon ni Phi­lippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na isang para athlete at ilang opisyales at coaches ang COVID-19 positive. Hindi binanggit ni Barredo […]

  • NCAP pinahinto ng Supreme Court (SC)

    EN BANC ang pagpapatupad ng no-contact apprehension   policy   (NCAP)   na   ginagawa   ng   Metropolitan   Manila   Development  Authority (MMDA) at ng limang (5) lokal na pamahalaan sa Metro Manila.     Nagbigay ng temporary restraining order (TRO) ang SC bilang sagot sa petitions na inihain ng magkakahiwalay laban sa pagpapatupad ng NCAP.     “It issued the […]

  • Show cause orders, ipinalabas laban sa 48 LGUs

    IPINALABAS na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang show cause orders laban sa 48 local government units para sa mabagal na distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga Typhoon Odette survivors.     Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Martes, sinabi ni Año na hiniling niya […]