Ibinahagi rin sa post ang mga damit na bigay ni Sharon: ROSANNA, nasubok ang katatagan nang mamatay ang ina habang nasa taping ng serye ni COCO
- Published on September 13, 2022
- by @peoplesbalita
SA isang post sa kanyang IG Account (therealrossanaroces) ibinahagi ng dating sexy star na si Rosanna Roces ang karanasan niya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Doon lang niya binanggit na habang nagti-taping siya sa Ilocos ay namatay ang kanyang nanay. Sabi ni Osang, nagawa raw niyang itago ang lungkot pero sinabi niya sa mga co-stars niya na namatay ang nanay niya.
Hindi naman daw siya pwedeng umuwi dahil kailangan na naman mag-quarantine kapag siya ay nagbalik.
Dahil sa lungkot, kwento pa ni Osang, ‘di raw niya namalayan na tinatanggal niya ang kanyang pilikmata na ipinakabit niya bago mag-taping.
Sabi pa ng aktres, nasubok ang kanyang katatagan habang nasa taping ng FPJAP dahil matagal siyang nawalay sa kanyang pamilya na bihirang mangyari.
Kahit daw nakaisang taon since namatay ang kanyang ina, fresh na fresh pa ito sa alaala ni Osang.
Sa isang post pa niya ay masaya naman niyang ikinuwento na binigyan siya ng mga damit ni Megastar Sharon Cuneta.
Dahil pumayat na si Sharon kaya hindi na kasya rito ang iba niyang damit at isa si Osang sa mga nakatanggap na ang iba ay hindi pa naisusuot at may tag pa.
Gagamitin daw ni Osang ang damit na bigay ni Sharon sa taping ng bago niyang show na di pa niya pwedeng sabihin ang title.
***
PROUD nanay si Judy Ann Santos sa kanyang anak na si Yohan.
Tatlong medalya kasi ang naiuwi ng bagets sa sinalihan nitong swimming competition.
Wagi si Yohan ng gold medal sa butterfly, silver medal sa freestyle at bronze medal sa backstroke.
“So proud of you, all the while juggling school work, training and college application. You did so well baby girl,” posted ni Juday sa kanyang IG account (officialjuday).
As of this writing ay 55,009 likes na ang post at 267 comments. Kabilang sa mga nag-comment ay sina Beth Tamayo, Dominic Roque, Ryan Agoncillo, at Biboy Arboleda.
(RICKY L. CALDERON)
-
Malakanyang, ipinaubaya sa Comelec ang desisyon
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) ang pagdesisyon hinggil sa panukalang palawigin ang mail voting sa 2022 presidential elections. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kinikilala nila ang Comelec bilang constitutional body na may atas na ipatupad ang batas at regulasyon sa pagdaraos ng eleksyon sa bansa. Sa ulat, isinusulong […]
-
Baloaloa, 4 pa lagas sa Angels via free agency
NASA limang key player ng Petro Gazz Angels sa pangunguna nina Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Jeanette Panaga, at Jonah Sabete ang naglaho sa team dahil sa pagiging free agent. Sa isang social media post ng Petro Gazz nitong isang araw lang, pinasalamatan ng team ang naging serbisyo ng tatlo kasama rin sina Cherry Nunag at Jovy […]
-
Team Phlilippines matindi ang laban sa 2023 Southeast Asian Games
DETERMINADO ang Cambodia na maging overall champion ng 32nd Southeast Asian Games na kanilang pamamahalaan sa susunod na taon. Sa katunayan ay inihayag ang host country ang paglalatag ng 608-event, 49-sport sa bienial meet na idaraos sa Phnom Penh at Siem Reap sa Mayo 5-16 sa 2023. Sinabi rin ng Cambodia […]