First time na magsama ang social media stars: JELAI at ZEINAB, sanib-pwersang pinakita ang kasikatan sa mall show ng ‘Beautederm’
- Published on September 13, 2022
- by @peoplesbalita
PERSONAL naming nasaksihan kung paano dinumog ng mga fans at ‘yung ibang tao na nagpunta sa Ayala Mall Cloverleaf ang mini-concert na handog ng mga celebrity endorsers ng BeauteDerm at guest artists, para sa grand opening ng store.
Punung-puno ng mga tao, lalo na sa palibot ng activity center na kung saan ginanap ang ‘Meet & Greet’ event last Sunday, September 11. Nag-uumapaw rin sa bawat floors ng mall na kung saan natatanaw nila ang mga kaganapan sa ibaba.
Inabangan namin ang paglabas ng dalawang social media influencers na first time magsasama sa isang big event, kung saan kitang-kita talaga ang pagsuporta ng kanilang mga fans.
Isa sa unang nag-perform si JC Santos, na patok na patok sa masa ang kanyang mapang-akit na pagkanta. Ang swabe-swabe ng banat niya lalo sa mga kanta ng ‘Apo Hiking Society’, nakaka-inlab, sa totoo lang.
Nagpasiklab din si Buboy Villar sa kanyang pagkanta, na tulad ni JC ay kinagiliwan ng masa.
Pero ang bongga ang dance number nila ni Jelai Andres, isa nga sa pinaka-tinilian lalo ng na kanyang mga fans, na ‘yun iba ay dumayo pa mula sa malalayong lugar, para lang makita siya ng personal.
Pero mas umapaw ang tilian at sigawan sa Ayala Mall Cloverleaf nang lumabas si Zeinab Harake, ang newest brand ambassador ng Beautederm, para sa kanyang pasabog na dance number.
Na ayon kay DJ Chacha, parang Daniel Padilla ang peg, ganun din ang karami ang mga tao at sigawan pag nagmo-mall show.
Magkasunod namang lumabas ang Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, para sa kani-kanilang song numbers.
Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal nila kay Ruru, na lalong sumikat dahil sa ‘Lolong’ at nagsimula na ring mapanood ang ‘Running Man PH’ sa GMA, perfect siya mag-close ng event.
Aliw-aliw din kami kay Boobay na bukod sa magaling komedyante at magaling ding kumanta. Samantala, ang nag-open ng successful event ng Beautederm ay ang X-Factor UK finalist na si Maria Laroco, na halimaw nga sa pagbirit ng mga rock songs.
Infairness, sulit na sulit ang pumila at bumili nang magaganda at pinagkakatiwalaang produkto ng Beautederm, dahil may special seats sila at nagkaroon ng chance sa meet and greet, and course makapag-picture sa kanilang idolo at plus pa ng ibang stars.
Umulan din ng mga freebies na binibigay at binabato ng mga stars na nag-perform. Iba talaga ang saya ng mga nakakakuha ng products, na pwede nilang i-try pagdating sa kani-kanilang bahay.
Nakaka-touch din ‘yung ibang mommies na dala-dala ang mga kids, nakipagsiksikan at matiyagang naghintay dahil gustong makita ang hinahangaang social media stars. Na for sure, pinag-ipinunan nila, para makapunta sa event at makalapit sa mga celebrity endorsers.
Iba talaga magmahal ang mga nanay, lahat ay gagawin, para kaligayahan ng mga anak. Priceless ‘yun para sa kanila, at kaya nilang magsakripisyo sa ibang bagay. Kitang-kita namin ang saya nila, lalo na sa kanilang kakaibang experience, na mananatili sa mga kuha nilang mga larawan.
Congratulations Ms. Rhea Anicoche-Tan, sa isa namang matagumpay na grand opening at tulad ng nasa kanta… “sa Beautederm, gaganda ang buhay mo…” and at the same marami talagang napapasaya.
***
LAST September 7, nagbukas na ang SOCMED House (Ang Bahay ni Direk Miah), ang reality show ng KSMBPI (Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc.) na puwedeng balik-balikan sa kanilang Facebook page at sa KRTV YouTube channel.
Aminado sina Direk Jeremiah Palma, na peg nila ang PBB (Pinoy Big Brother), na kung saan 10 housemates ang mapipili every week at titira sa isang condo unit sa Kyusi, na kung saan dadaan sila sa mga challenges, workshops at training.
Sa unang batch, siyam lang nakapasok sa bahay na sina Cristina Campuspos Abaigar (Noveleta, Cavite, 19), Princess Stephanie Mongit (Pasay City, 18), Johnson Baronia (Trece Martires, Cavite, 26), Clint Kenneth Benamer (Tanza, Cavite, 31), Ruel Carreon (Caloocan City, 43), Kriszle dela Cruz Teope (Quezon City, 35), Matthew Gabriel Canilang (San Pedro, Laguna, 19), Marvin Escueta (Quezon City, 34), at Rechelle Ann Vargas Lorsano (Quezon City, 17).
Ayon kay Dr. Michael Aragon, mga ordinaryong tao ang pinili nila na gustong mag-artista at hindi rin sila namimili basta lang nasa legal na edad ay puwedeng sumali o mag-apply sa reality show.
Magkakaroon ito ng four batches, na kung saan pipiliin ang grand winner after na makapasok na ang lahat ng housemates, at ang mananalo sa online voting ay magiging bida sa movie na ipo-produce ng KSMBPI, na ang advocacy ay makatulong talaga sa movie industry, lalo sa mga indie filmmakers.
Say pa ng founding chairman, “lahat silang 40 housemates ay kasama sa pelikula, kaya lahat sila ay winner na rin. Sa ranking na lang sila magkakaiba at roles na mapupunta sa kanila.”
After ng reality show, wala silang papirmahin o ima-manage dahil conflict of interest ‘yun. Ang aim lang nila ay mag-train for free at wala talagang kapalit.
“This is what advocacy is all about. We will not sign up anybody. So, kung may magka-interes na i-manage sila, they can do so. Pakakawalan namin sila.”
Ang hiling lang ng organisasyon, na kung sino man ang maging matagumpay sa mga pumasok sa Socmed House, ay mag-‘pay it forward’ at tumulong din sa mga nangangarap, pero walang kakayanan para suportahan ang kanilang ambisyon.
Samantala, noong Linggo, September 11, nag-exit na ang Batch 1 ng mga housemates na kung saan pinamalas nila ang kanyang pag-arte and soon ipakikilala na ang Batch 2 na papasok sa Socmed House.
(ROHN ROMULO)
-
SHARON, isiniwalat na si PARK HYUNG SIK ang bagong kinahuhumalingan na Korean actor
HINDI na naman nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na patulan ang isang basher na nag-comment sa IG post niya humihingi ng tulong at suhestyon sa ating mga kakabayan. Sabi ng basher, “Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado yung walang camera ha…” Kaya naman hindi ito […]
-
PANIBAGONG HOUSING PROJECT NG MANILA LGU, INILUNSAD SA BASECO
INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang panibagong housing project ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila. Pinangunahan nina Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ang mga konsehal sa Distrito 5 ng lungsod ang ground breaking ceremony kaugnay sa proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan kung saan plano […]
-
DECEMBER 22 OPENING NG NBA, LUMABO; PLAYERS ‘DI PUMAYAG
BILANG tugon sa proposed NBA 72-game schedule na target ng liga para sa 2020-21 regular season, kasama na rito ang pagsisimula sa Dec. 22, isiniwalat ni National Basketball Players Association (NBPA) executive director Michele Roberts na karamihan sa manlalaro ay kumontra sa plano. Ayon kay Roberts, nire-review nila nang husto ang pro- posal at […]