• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DHSUD, target na magtayo ng 6M housing units sa termino ni PBBM

TARGET ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng anim na milyong  housing units sa susunod na anim na taon sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program. 

 

 

 

Ito ayon kay DHSUD Assistant Secretary for Support System Avelino Tolentino ay may production average rate  na isang milyong housing units  kada taon.

 

 

Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni  Tolentino na ang pondo  na ilalaan sa programa ay hindi direktang gagamitin sa  housing construction, sa halip ay sa housing interest support.

 

 

“Kapag po naglagay tayo ng housing interest support doon sa ating mga benepisyaryo, tataas po ang kanilang affordability level at magiging  bankable po sila –meaning to say, iyong  account po nila, puwede po nating i-takeout sa bangko at iyon po ang sikreto ng programang ito dahil po hindi na po magiging dependent sa General Appropriations Act ang pagtatayo po ng pabahay,” anito.

 

 

Tinukoy ni Tolentino ang data mula sa Philippine Statistics Authority na nagpapakita na ang bansa ay nangangailangan ng  6.5 milyong housing units  kada taon.

 

 

“So iyan po ang gusto nating solusyunan, gusto nating sagutin; kaya nga po ang programa ng ating Pangulong Bongbong Marcos ay ang magkaroon po, mag-produce po tayo ng one million housing units per year,” ayon kay Tolentino.

 

 

Sinabi pa ni Tolentino na ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ay hindi  lamang niya nakikitang solusyon sa housing backlog kundi maging makapagdadala ng  mga pakinabang sa ekonomiya  para sa bansa matapos ang pandemiya.

 

 

Sa  House Committee on Appropriations budget hearing kasama ang DHSUD, natuwa ang mga mambabatas na marinig ang tungkol sa programa, sabay sabing  “it is innovative” at “out of the box”.

 

 

Ani Tolentino, ang papel ng Kongreso ay  napakahalaga para makatulong sa maayos na implementasyon ng mga programa ng DHSUD.

 

 

“Kailangang-kailangan po ang tulong ng ating mga kongresista dahil ito pong programang ito ay mangangailangan po ng pondo na ang magdi-desisyon po ay ang ating  House of Representatives. So natutuwa po kami at nakikita namin sila na magiging partners dito sa ating programang ito ,” ayon kay Tolentino.

 

 

Samantala, sinabi naman ni DHSUD Secretary Jose Acuzar, mula nang maupo siya sa kanyang puwesto ay  nakipagpulong na siya sa local government units (LGUs) at binisita ang mga posibleng  housing project sites sa buong  bansa.

 

 

Sinabi ni Acuzar, mayroon ding mahalagang papel ang LGUs para gawing posible ang inisyatiba ng ahensiya. (Daris Jose)

Other News
  • RIDER TODAS SA DUMP TRUCK

    ISANG rider ang namatay matapos magulungan ng isang dump truck nang tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.   Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Isagani Sorio, 36, company employee at residente ng Lot-6 Block 9 Pascual Subd., Brgy. Baesa, […]

  • Dingdong, muling ni-reveal ang ‘gift for music’ ni Zia

    PINASILIP ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang IG post noong October 1 ang evening routine nila ni Zia.   Muling ni-reveal ni Dingdong ang ‘gift for music’ ni Zia nang kantahin nito at i-strum sa gitara ang 1961 hit ni Ben E. King na “Stand By Me.”   Post ng lead star ng […]

  • Durant, ‘di sigurado kung kelan magbabalik sa game dahil sa panibagong injury

    Wala pang kasiguraduhan ang Brooklyn Nets kung kelan makakabalik ang kanilang superstar na si Kevin Durant matapos na ma-injure na naman sa game kanina kontra sa Miam Heat.     Una rito, nasilat ng Miami ang itinuturing na isa sa powerhouse team na Brooklyn, 109-107.     Sa kalagitnaan ng unang quarter pa lamang ay […]