• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biggest break ang pagkakasama sa cast ng ‘Start-Up PH’: JERIC, malaking hamon na makatrabaho sina ALDEN at BEA

BIGGEST break ng Sparkle Hunk na si Jeric Gonzales ang pagganap niya bilang Davidson Navarro o Dave sa adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up PH.

 

 

Malaking hamon daw kay Jeric ang makatrabaho sa serye sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi at ang iba pang cast members na may kanya-kanyang galing sa pag-arte.

 

 

“I’m beyond grateful, and sa lahat ng mga sumusuporta sa akin and nag-aabang and excited din. Ganu’n din ako, sobrang excited din ako, kaya nu’ng makita ko ‘yung mga teaser, overwhelmed pa rin ako na makita ‘yung sarili ko na ako ang nag-play doon sa character ni Dave, ni Nam Do San.

 

 

“Very inspirational si Davidson kasi nag-start talaga siya sa wala. From scratch nag-aral siya and then natututo siya, napu-pursue niya talaga ‘yung dream niya,” sey ni Jeric.

 

 

Dapat daw abangan ng marami ang grupo nila nina Boy 2 Quizon a Royce Cabrera sa serye na Three Sons Tech. Naging very close daw silang tatlo noong mag-lock in taping sila.

 

 

“Hindi ko inaasahan na magiging malapit ako kina Royce at Boy 2. Sobra silang masayang kasama kaya even after na ng lock-in taping namin, nagkikita-kita kami. Iba yung naging bonding namin sa show na ito.”

 

 

***

 

 

NAG-FILE na ng cyberlibel case ang Katips director at producer na si Vince Tañada laban sa komedyante at former Miss Q & A na si Juliana Parizcova Segovia.

 

 

Ayon kay Tañada, hindi nagustuhan ng kanyang co-producers na mga abogado ang mga malisyosong social media post ni Juliana.

 

 

“’Yung mga co-producer natin sa pelikulang ito ay mga abogado rin, e, kaya nasaktan sila dahil libelous nga naman ‘yung sinabi ni Juliana Parizcova. Ang alam ko nai-file na nila ‘yun sa piskalya at hinihintay na lang natin ‘yung decision about that,” sey ni Tañada.

 

 

Kung matatandaan ay kinuwestiyon ni Juliana ang pagkapanalo ng pelikulang Katips sa 2022 FAMAS Awards. Nanalo ng pitong awards ang Katips kabilang ang Best Picture, Best Director and Best Actor for Tañada.

 

 

Post ni Juliana sa Facebook account niya:  “Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga…Congrats Hahahaha!”

 

 

Hindi nga pinalagpas ni Vince ang post na ito ni Juliana.

 

 

“Itong si Juliana ay nagtataka ako, hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay.”

 

 

Hintayin na lang natin kung ano ang magiging resulta ng kaso ni Tañada laban kay Juliana.

 

 

***

 

 

PINAAHIT na ni Aquaman star Jason Momoa ang kanyang trademark na long hair bilang suporta nito sa environment at sa pagtigil ng paggamit ng single-use plastic na nakasisira sa karagatan sa buong mundo.

 

 

“Shaving off the hair. Doing it for single-use plastics. I’m tired of these plastic bottles, we gotta stop. Plastic forks, all that s**t. S**t goes into our land, goes into our ocean. … The things in our ocean, it’s just so sad. So, please, anything you can do to eliminate single-use plastics in your life. Help me,” pakiusap pa ng aktor sa marami.

 

 

Bilang siya nga ang gumaganap na Aquaman, maingat ang 43-year old actor kapag nagsu-shoot sila sa dagat. May dala siyang sariling aluminum water bottle at parati siyang may dalang reusable bag para sa kanyang mga gamit at paglagyan ng mga basura niya.

 

 

Sa latest post niya sa Instagram, nagpalagay ng tribal tattoo si Momoa na simbolo ng kanyang pagiging native Hawaiian.

 

 

Nasa New Zealand ngayon si Momoa para sa sisimulan niyang Apple TV+ series na Chief of War.

 

 

According to Variety: “Chief of War follow an epic telling of the unification and colonization of Hawaii from an indigenous point of view.”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • SIM registration deadline hanggang July 25… KUYA KIM at KIRAY, na-experience din na mabiktima ng ‘hacking’

    ILANG araw na lang at sasapit na ang deadline sa Hulyo 25, kaya naman naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa mga consumer na sumunod sa ‘SIM Registration Act’ upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago sa online.     Sa “Number Mo, Identity Mo” campaign, ang online […]

  • Bong Go, atras sa presidential bid sa Eleksyon 2022

    INANUNSYO ni Senador Bong Go ang kanyang pag-atras na tumakbo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.   Ang desisyon ni Go na bawiin ang kanyang kandidatura ay matapos ang isang linggong pag-amin na nananatili siyang naghihintay ng  “sign from God”  kung itutuloy pa ba niya ang kanyang presidential bid o hindi na.   Sa isang panayam […]

  • Lahat ng ASEAN states, umaasa na maisasapinal na ang Code of Conduct para sa SCS-PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na binanggit ng lahat ng mga ASEAN member states ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS) sa isinagawang Summit ng regional body sa Indonesia.     Iyon ay dahil  umaasa ang  lahat ng ASEAN nation na maisasapinal na ang COC  bilang “legally binding pact.”     […]