Team Phlilippines matindi ang laban sa 2023 Southeast Asian Games
- Published on September 20, 2022
- by @peoplesbalita
DETERMINADO ang Cambodia na maging overall champion ng 32nd Southeast Asian Games na kanilang pamamahalaan sa susunod na taon.
Sa katunayan ay inihayag ang host country ang paglalatag ng 608-event, 49-sport sa bienial meet na idaraos sa Phnom Penh at Siem Reap sa Mayo 5-16 sa 2023.
Sinabi rin ng Cambodia na tanging sila lamang ang puwedeng magpasok ng 100 percent participation sa mga combat sports o martial arts kasabay ng paglimita sa 10 bansa sa 70 percent ng mga events.
Kaya kailangang umabante ang mga Pinoy athletes sa medal round para sa tsansa sa gintong medalya, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.
“That benefits the host best, while putting at risk our chances for the medals,” ani Tolentino.
Ginaya ng Cambodia ang ginawang patakaran ng Malaysia nang pangasiwaan ang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.
“Our athletes should focus harder and train more to get to the podium,” dagdag ng POC chief.
Nauna na ring inalis ng Cambodia ang 50kg class sa women’s kumite ng karate, ngunit nahikayat ng ibang miyembro ng SEA Games na huwag itong tanggalin.
Si Filipino-Japanese Junna Tsukii ang kasalukuyang World Games champion at 2019 gold medalist sa nasabing event.
Isinama naman ng Cambodia ang dalawang indigenous sports na Kun Bokator, isang martial art na ginagamit ng ancient Khmer military, at ang Ouk Chatrang, isang Khmer chess game.
May nakalatag na 21 at 6 gold medals sa nasabing mga events.
Matapos tanghaling overall champion nong 2019 edition ay tumapos ang Pilipinas sa fourth place noong 2021 na idinaos sa Vietnam.
Plano ng POC na magpadala ng batalyon ng mga atleta para mapalakas ang tsansa sa gold medal sa 2023 Cambodia SEA Games.
“We have time to analyze Ouk Chatrang and see if our athletes can perform well in the sport,” sabi ni Tolentino.
Naglatag ang Pilipinas ng pinakamaraming bilang ng sports sa 56 na may 530 events noong 2019 edition.
Sa 40 sports naman sa Vietnam noong 2021 edition ay mayroon itong 526 events.
-
Asia’s 1st Grandmaster Eugene Torre iniluklok sa Hall of Fame ng World Chess Federation
Bumuhos ang pagbati matapos iluklok sa World Chess Hall of Fame ng World Chess Federation si Filipino Grandmaster Eugene Torre. Sinabi ng 69-anyos na Iloilo native, labis itong natutuwa at “proud” dahil siya ang unang Asian male player na nominado sa FIDE. Sinundan nito ang yapak ni dating women’s world champion […]
-
Balitaan sa Tinapayan
HINIMOK ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan. Sa kanyang pagdalo Biyernes ng umaga sa relaunching ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto […]
-
Bigtime rollback sa petrolyo, ipinatupad
INANUNSYO ng mga lokal na kumpanya ng langis ang isa pang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo kahapon, Martes. Sa hiwalay na advisories, kinumpirma ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at Flying na ipatutupad pagsapit ng alas- 6:00 ng umaga ng Hulyo 12 ang tapyas na presyong P6.10 sa kada […]