• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Contempt of court’ sa nagbabanta sa mga huwes – SC

NAGBABALA ang Supreme Court na kakasuhan nila ng ‘contempt of court’ ang mga nagbabanta ng karahasan laban sa mga huwes sa bansa.

 

 

Sa pahayag na inilabas ng SC Public Information Office, tinalakay ng court en banc ang mga posibleng aksyon sa mga pahayag na inilabas ni dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy sa kaniyang social media page ukol sa umano’y pagbabanta kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo A. Magdoza-Malagar.

 

 

Parte ng Facebook post ni Badoy ay: “If I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP-NPA-NDF must be killed because there is no difference in my mind between a member of the CPP-NPA-NDF and their friends, then please be lenient with me.”

 

 

Itinanggi naman ito ni Badoy at nabura na ang naturang post ngunit nagawa ng mga netizen na ma-screenshot at screen record ito bago mabura.

 

 

“Those who continue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families…that this shall likewise be consi­dered a contempt of this court and will be dealt with accordingly,” pahayag ng SC en banc.

 

 

Kinondena rin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pahayag ni Badoy habang 187 abogado na ang pumirma para sa hiwalay na pagkondena na ang pahayag ni Badoy ay direktang pag-atake sa hudikatura at mga opisyal nito at layong paliitin ang tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya sa bansa at i-harass ang mga naatasang magsulong ng ‘rule of law’.

 

 

Nais din ng mga abo­gado na maging ‘accountable’ si Badoy at ang sinumang susunod sa kaniyang aksyon at nagbabala na may katumbas na kahihinatnan ang anumang paglabag sa batas. (Daris Jose)

Other News
  • Bucor Director Bantag, suspendido

    SUSPENDIDO si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag matapos ang pagkamatay ng umano’y middleman sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.     Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Bantag sa kanilang naging miting, araw ng Huwebes.     “I went […]

  • Tinawag na ‘hot mama’ at ‘hot lola’ ng mga netizens: JACKIE LOU, kaya pa ring makipagsabayan sa mga sexy young stars

    KAYA pa ring makipagsabayan ni Jackie Lou Blanco sa mga seksing young stars ngayon.   Kelan lang ay nilantad ni Jackie ang beach bod sa isang Instagram photo kunsaan suot niya ay isang black halter top at red bikini bottom.   Pinakita ng actress-singer-TV host ang kanyang abs at nilagyan niya ng caption ang photo […]

  • Alas may alam din sa bantahan ng laro

    ISANG bukas na aklat din para kay Francisco Luis (Louie) Alas ang bentahan ng laro o game fixing sa Philippine basketball.   Naging coach siya national men’s basketball team sa ilang international competition gaya ng Southeast Asian Games o SEA Games at South East Asian Basketball Association o SEABA Championship for Men, sa Philippine Basketball […]