• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Pinayagan ang nakatayong pasahero sa mga PUVs

NAGLABAS  ng isang memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFB) na pinapayagan na magkaroon ng mga nakatayong pasahero sa mga pampublikong transportasyon.

 

 

 

Kasama sa pinayagan ang mga pasahero sa mga buses at modern jeepneys. Ayon sa LTFRB ay naaayon ng payagan na magkaroon ng tayuan sa mga pampublikong transportasyon lalo na at kung rush hours at tama lamang ibalik ang pre-pandemic practice na pagsasakay ng may nakatayo.

 

 

 

“The surge of commuters during peak hours prompted the board to consider ways to address passenger demand,” wika ng LTFRB. Ang nasabing memorandum ay may lagda ni LTFRB chairman Cheloy Garafil.

 

 

 

Naglagay ng maximum number ang LTFRB para sa mga nakatayong pasahero sa mga PUVs. Ang maximum na pasahero ay hindi lalagpas sa 15 sa mga low-floor buses. Sampu (10) naman sa mga coach-type na buses at lima (5) sa modern jeepneys.

 

 

 

Pinaalalahanan naman ng LTFRB ang mga commuting public na mahigpit na sumunod sa COVID 10 protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at kinakailangan one person apart sa loob ng sasakyan.

 

 

 

Ang mga operators ay kinakailangan na sumunod sa polisiya tungkol sa mga nakatayong pasahero upang hindi sila mabigyan ng sanctions ng LTFRB.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang ahensiya ay naglungsad ng isang app para sa mga reklamo tungkol sa mga apprehensions.

 

 

 

Ang mga motoristang nabigyan ng citation ticket at gustong maghain ng reklamo ay maaaring mag- log-on sahttps://bit.ly/3/62YhH.

 

 

 

Kinakailangan lamang na sila ay magbigay ng contract number at detalye tungkol sa kanilang sasakyan, atb. Maaaring hanggang limang (5) citation tickets ang maupload kada isang form.

 

 

 

“Complainants would have to wait three working days for an employee of its Traffic Adjudication Division to contact them and schedule an in-person hearing at the MMDA office, where they should present the tickets and required documents for verification,” saad ng MMDA.

 

 

 

Ang resolusyon ng nasabing reklamo ay ibibigay kung hindi personally ay sa pamamagitan ng email. Maaaring maghain ng motion for reconsideration ang motorista na naka-address sa chairman ng MMDA.

 

 

 

Nilinaw naman ni MMDA chairman Carlo Dimayuga  na ang nasabing online form ay para lamang sa physical traffic apprehension at hindi kasama ang kontrobersial na no-contact apprehension policy (NCAP) na sinususpinde ng SC kamakailan lamang.

 

 

 

Binalaan din ni Dimayuga ang mga motoristang magbibigay ng mali o hindi tamang impormasyon kung saan sila ay maaaring makasuhan ng perjury at disqualification sa paggamit ng nasabing online form.  LASACMAR

Other News
  • MARIAN, pinagtawanan lang na ‘buntis’ dahil wala pang balak na sundan si SIXTO; ZIA, gusto talagang mag-endorse ng ‘WalterMart’

    SA muling pagri-renew ng contract ni GMA Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa WalterMart Supermarket bilang endorser ay kasama na ngayon ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes.     Pinost ni Marian sa kanyang Instagram account ang TVC na may caption na, “Hi WalterMart Community! Hindi lang ako ang na-inlove sa WalterMart, […]

  • DSWD, nagpadala ng tulong sa mga flood victims sa Visayas, Mindanao

    IKINASA na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief operations sa mga lugar sa  Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.     Sinabi ng Malakanyang na ang  relief operations ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD field offices sa Eastern Visayas at […]

  • JOVIT, nais pa ring makuha ang anak mula sa ex-girlfriend na nadadawit ngayon sa scam

    ANO ba yan? Uso na ba ngayon ang mag-delete ng post at followers sa social media?        Pagkatapos umamin sa kanilang relasyon, nagulat ang netizen sa biglang pag-unfollow ni Kiko Estrada sa Instagram account ni Heaven Peralejo.   Hindi lang si Heaven, kundi lahat ng pina-follow ni Kiko ay deleted na.   Pati na […]