• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Regional airports, dapat ng gamitin- PBBM

DAPAT nang gamitin ang mga paliparan na matatagpuan sa ibang rehiyon.

 

 

“Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, habang hindi pa naitatayo ang airport sa Bulacan, ‘yung airport sa Sangley, ito ‘yung mga proposal ngayon eh. Kailangan natin buksan ang mga airport sa regional,” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa grand opening  ng bagong terminal building ng  Clark International Airport sa Mabalacat City, Pampanga.

 

 

Wika pa ni Pangulong Marcos, ang ilang  flights ay hindi na dapat pang dumaan sa  Maynila kung maaari namang dumaan direkta sa mga lalawigan.

 

 

“Huwag nating pinipilit lahat na kailangan dumaan ng Maynila. So, direct na sa Bohol, direct na sa Cebu, marami na talagang direct. Direct sa CDO, direct sa Davao na mayroon na rin. Ganon, para di na kailangang dumaan ng Maynila. Kaya’t itong ganitong klaseng project is exactly on point when it comes to the plans that we have,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

 

Sinabi pa niya na ang bagong paliparan ay “a perfect example of what government and the private sector can do.”

 

 

Para sa Punong Ehekutibo, ito aniya ay “very strong signal” na ang Pilipinas ay bukas na para sa investments  mula sa ibang bansa.

 

 

Samantala, kasama ng Pangulo sa nasabing event sina Unang Ginang  Louise “Liza” Araneta-Marcos, Transportation Secretary Jaime Bautista, Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, at iba pang key officials mula sa pribadong sektor. (Daris Jose)

Other News
  • Ivana, kumikita sa YouTube kaya ‘di apektado ng pamdemya

    ISANG buwan na lang ay manganganak na ang Kapamilya star na si Ryza Cenon.   Nakapag-baby shower na rin ito virtually.   May team siya na kumuha ng mga video messages para sa partner niya na si Miguel Cruz at sa magiging baby boy nila. At sa mga nag-send din ng gifts for their baby. […]

  • Walang sektor ang hindi napag-usapan sa PH-US partnership-PBBM

    WALANG SEKTOR ang hindi nabanggit sa “partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.   Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pulong kasama ang United States-Philippines Society (USPS), ikinatuwa niya ang  makabuluhang progreso na nagawa kapuwa ng Maynila at Washington para mas palakasin ang security alliance.   “Yes now, prominent are the […]

  • Lolo tigbak sa mixer truck

    Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng […]