• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS, nag-alok ng calamity loan, 3-month advance pension para sa mga miyembro

BUBUKSAN ng Social Security System (SSS) ang dalawa nitong programa na naglalayong i-extend ang  financial assistance sa kanilang mga  miyembro at pensiyonado sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding.

 

 

Ang dalawang programang ito ani SSS president and CEO Michael Regino ay ang  Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro at Three-Month Advance Pension for Social Security (SS) and Employees’ Compensation (EC)  para naman sa mga pensiyonado.

 

 

Sa ilalim ng CLAP,  maaaring mag-avail  ng loan ang mga miyembro  ng SSS katumbas ng average ng kanilang  huling 12 monthly salary credit o halaga na kanilang inaplay, kung saan mababa.

 

 

Para sa Three-Month Advance Pension, ang proceeds ay ibabase sa halaga ng  monthly pension ng mga pensiyonado.

 

 

“In response to the devastation brought about by Super Typhoon Karding, we will offer these two programs in the areas to be declared under a state of calamity by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),” ayon kay Regino.

 

 

“We are finalizing the guidelines for these programs, and we shall release them through our website and social media channels once available,” wika pa nito.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Regino ang mga miyembro ng SSS na mag-enroll sa  My.SSS Portal  ng  SSS website dahil ang aplikasyon para sa CLAP ay dadaan sa channel na ito.

 

 

Samantala, sa naging report pa ng NDRRMC, may  640,963 katao o 176,337 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Karding sa  1,372 barangay sa  Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Cordillera.

 

 

Sa apektadong populasyon, 25,177 katao o  6,435 pamilya ang nananatili sa loob ng  391 evacuation centers,  habang may 15,286 indibidwal  o 3,482 pamilya ang namamalagi sa ibang lugar.

 

 

Bukod pa sa, may kabuuang 23,151 pamilya o  91,169 katao ang ‘pre-emptively evacuated.’

 

 

“A total of 20,628 houses sustained damage—18,110 partially and 2,518 totally—in Ilocos, Cagayan, Central Luzon, and Cordillera due to Karding,” ayon sa NDRRMC. (Daris Jose)

Other News
  • 2 HULI SA AKTONG IBINEBENTA ANG TINANGAY NA MOTOR

    ISINELDA ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya habang ibinebenta ang kanilang tinangay na motor sa Navotas City sa isang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni P/Maj. Jessie Misal, hepe ng Northern Police District-District Anti-Carnapping Unit (NPD-DACU) ang mga naarestong suspek na sina Christian Lecaros, 20 ng Tondo, Manila […]

  • JUDY ANN at RYAN, humabol para magpa-rehistro dahil gusto ng pagbabago; nanghihikayat ‘to unite and vote’

    DAHIL na rin siguro sa pandemic at ang situwasyon na kinaharap ng mga Filipino sa bansa at sa nakikitang ginagawa lang ng gobyerno kung bakit tila mas marami ngayon, kahit sa mga artista ang tila “nagising” na.     Sunod-sunod ang mga artist ana nagpo-post ng kanilang pagpapa-rehistro sa Comelec. Akalain mo ‘yun na sa […]

  • Rematch ni Donaire kay Inoue itinakda na sa Hunyo

    ITINAKDA na sa Hunyo ang rematch fight ni Filipino boxer Nonito Donaire kay Japanese Naoya Inoue.     Gaganapin ang bantamweight title unification fight sa June 7 sa Saitama, Japan na magiging mas mainit aniya ito kumpara sa unang paghaharap ng dalawa noong 2019.     Nakataya dito ang WBA at IBF titles ng unbeaten […]