Pagpunta sa indoor religious gatherings, nagsisiksikang mall at tiangge…mga high risk activities ngayong holiday season – Malakanyang
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko ukol sa inihahandang contingency plan ng Department of Health ngayong holiday season.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabuti nang maging maagap lalo’t ang panahon ng Kapaskuhan ay isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya at mahal sa buhay.
Kaugnay nito’y inisa- isa naman ni Sec. Roque ang mga aktibidad ngayong holiday season na nasa kategoryang high- risk.
Kabilang dito ang pisikal na pagdalo sa mga indoor religious activities na maraming attendees, pamimili sa masisikip na tiangge at shopping mall.
Kinukunsidera namang medium risk ang mga maliliit na pagtitipon sa labas o public areas alinsunod sa physical distancing at restrictions on mass gatherings habang ligtas naman ang pagdalo sa online masses, Noche Buena o Media Noche kasama ang pamilya sa loob ng tahanan, online video calls sa mga pamilyang magkalayo ngayong holiday season at pamimili sa online stores. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bulacan, ipapatupad ang SEPO ng DENR, nagsagawa ng waterway clean-up activity sa Lungsod ng Meycauayan
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng komemorasyon ng Earth Day, nagsagawa ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) kasama a ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at iba pang mga kinatawan mula sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng waterway clean-up activity sa […]
-
Mayor Sara itinuloy ang pagtakbo sa pagka-VP
Nagdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa susunod na taon kasunod na rin ng panawagan ng kanyang mga supporters na magsilbi para sa bansa. Ayon sa presidential daughter, nagdesisyon na siyang huwag nang sumali pa sa presidential bid, patunay na rito ang kanyang paghahain ng […]
-
Suspendido ang operasyon ng LRT 1 sa Nov. 28
Hinto muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) sa November 28 dahil sa gagawing paglilipat sa bagong signaling system ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC). Hindi lamang sa November 28 kung hind isa darating na Jan. 23 at 30 ay hinto rin muna ang operasyon ng LRT1 upang […]