• April 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P709-M halaga ng assistance inilaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyo

NAGLAAN  ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P709 milyong halaga ng tulong at interbensyon para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng supertyphoon Karding.

 

 

Sa ngayon, nasa P2.95 bilyon na ang pinsala sa agrikultura na dulot ni “Karding” basi sa pinakahuling datos ng kagawaran.

 

Idinagdag pa ng ahensya na ang Quick Response Fund nito na nagkakahalaga ng P500 milyon ay maaaring gamitin para sa agarang pagkukumpuni o rehabilitasyon ng mga nasirang pasilidad ng produksyon.

 

 

Ayon sa agriculture department, nakahanda rin itong ipamahagi ang mga buto ng palay, buto ng mais, at binhi ng gulay.

 

 

Magbibigay din ang ahensiya ng farm animals, drugs, at biologics na nagkakahalaga ng P2.45 milyon sa pamamagitan ng livestock at poultry programs nito, gayundin ng fingerlings at fishing equipment mula sa DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

 

 

Nauna ng sinabi ng kagawaran ng agrikultura na ang mga mobile KADIWA center ay inilulunsad sa mga apektadong lugar upang patatagin ang pagpepresyo at mga supply ng mga kalakal ng agri-fishery.

 

 

Magugunitang, sinabi ni Agriculture Usec. Domingo Panganiban na maaaring tumaas ng 15 hanggang 20 porsiyento ang presyo ng bigas at gulay sa mga susunod na araw dahil sa pinsala sa agrikultura sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Para itulak ang BIDA anti-drugs program, gamitin ang barangay assembly- Abalos

    PANAHON na para gamitin ng mga opisyal ng 42,046 barangay ang barangay assembly para makakuha ng suporta para sa anti-drug campaign ng pamahalaan.  Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program, isang  nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa […]

  • Pagcor, umamin na ‘big challenge’ ang kumbinsihin ang foreign investors

    INAMIN ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairman Alejandro Tengco na isang malaking hamon ang kumbinsihin ang mga foreign investors na ang pagba-ban sa natitirang legal Philippine offshore gaming operators (POGOs) ay may kabutihang dulot sa bansa. “Iyan po ang magiging malaking hamon sa amin para makumbinse sila na talagang ito’y ginagawa para sa […]

  • RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN

    TODAS ang isang 23-anyos rider habang malubha namang nasugatan ang kanyang angkas matapos bumangga sa isang pampasaherong jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.   Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Arvin Sarmiento, helper ng 35 B Anneth St. Marulas, Valenzuela city. […]