• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hiling ni Vhong Navarro na manatili sa NBI, ibinasura ng korte

IBINASURA  ng korte ang mosyon ng aktor/TV host na si Vhong Navarro na manatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong rape na kinaharap nito.

 

 

Una nang inihain ni  Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, ang isang urgent motion upang mapanatili sa kustodiya ng NBI ang aktor.

 

 

Binanggit ni Navarro sa kanyang mosyon na haharapin niya ang mga kaso laban sa kaniya, at ang kaniyang pagsuko sa NBI ay bunsod ng lehitimong pangamba para sa kaniyang kaligtasan at sa kaniyang buhay habang matindi pa ang galit sa pagitan nila at ng nag-aakusa na si Deniece Cornejo at mga kaibigan nito.

 

 

Kasama sa kanyang pleading na ang maybahay niya ay nakatanggap pa ang text message sa hindi kilalang cellphone number na nagsabing,  “Pasabi diyan sa asawa mong rapist Mr. Suabi, nag-aantay kami dito sa Taguig, paki bilisan”.

 

 

Giit ni Navarro na dapat seryosohin ang nasabing mensahe dahil si Cornejo at mga kaibigan nito ay nakulong sa Taguig Jail kaugnay sa pambubugbog sa kaniya at nakalaya lamang sa piyansa noong 2014. Posibleng nagkaroon ng koneksyon sa gang sa loob ng Taguig Jail ang kampo ni Cornejo.

 

 

Paliwanag naman ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig RTC Branch 69 sa pagbasura sa mosyon,  nabigong bigyang katwiran ang pangangailangan ni Navarro para patuloy na mapiit sa NBI. Bigo rin si Navarro na maglakip ng patunay sa sinasabing mensaheng SMS.

 

 

Bukod pa sa may mandato naman aniya, ang Taguig Jail na protektahan ang mga detainee.

 

 

Nabatid na naghain din ng manifesttaion with urgent motion to transfer detention si Atty. Howard Calleja, abugado ni Cornejo, para mailipat na sa Taguig Jail si Navarro mula sa NBI facility.

 

 

Nabatid na hindi pa nakatatanggap ang NBI ng commitment order mula sa korte para sa tuluyan paglilipat kay Navarro sa Taguig Jail. (Ara Romero)

Other News
  • Paggamit ng gamot na IVERMECTIN laban sa Covid-19, walang basbas ni PDU30

    PINABULAANAN ng Malakanyang ang ulat na may basbas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit ng Ivermectin laban sa Covid -19.     “Hindi po noh? ang nangyari is nag-meeting noong Sabado ang IATF for almost 10 hours and one of the agenda na na-discussed po ay iyong Ivermectin at ni-report po ni Usec. Eric […]

  • Ravena nag-eensayo na kasama ng NeoPhoenix

    MATAPOS ang maraming hadlang at problema, pormal nang nakasama sa ensayo ng San-En NeoPhoenix si Thirdy Ravena para sa paghahanda sa kanyang debut game sa Japan basketball league.   Nagtapos na ang 14-day man- datory quarantine ng 23-year-old high-flyer mula nang dumating sa Japan noong October 15.   Agad na nakisalamuha si Ravena sa kanyang […]

  • Napipintong paglipat ni LOVI sa ABS-CBN, ‘done deal’ na ayon sa bali-balita

    UM-ATTEND sa red carpet premiere ng pelikulang Cinderella sa Los Angeles ang Kapuso actress na si Lovi Poe.   Ginanap sa Greek Theatre ang premiere ng pelikulang pinagbibidahan ng singer na si Camila Cabello na produced ng Amazon Prime.     “A dream is a wish your heart makes,” caption ni Lovi sa photo niya […]