• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nabahala sa nangyaring “senseless killing” kay Percy Lapid

NABABAHALA  ang  Office of the President (OP) partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring “senseless killing” sa  isang batikang mamamahayag at  kasalukuyang radio commentator ng DWBL na si Percy Lapid.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan sila ni Pangulong Marcos na tingnan ang isinasagawang imbestigasyon ng pananambang at pagbaril sa biktima pasado alas-8:30 kagabi, Oktubre 3, ng hindi pa nakilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Las Piñas City.

 

 

“In fact I was in communication with certain officials who advised me that the Southern Police District has created a task force on Percy Lapid,” ayon kay Guevarra.

 

 

“We just assumed our office last Tuesday but I was informed that there is a presidential task force on media security. In fact, I personally would meet with them, convene them if necessary, to advise them…to sit down with the Southern Police District and ensure that the conduct of investigation proceeds without any problem and submit to us, report to us hopefully within the next seven days.” wika pa nito.

 

 

Nauna rito, hayagan namang kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pamamaslang kay Lapid.

 

 

Tiniyak naman ng task force  na ” we will not rest until the perpetrators of this heinous crime are brought to justice.” (Daris Jose)

Other News
  • Pagbabawal sa paghalik sa religious statues at pagpapako sa krus sa Holy week, inirekomenda ng DOH

    PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga simbahan maging ang publiko na kung maaari ay ipagbawal muna ang paghalik sa mga religious statues at pagpapapako sa krus para maiwasan ang hawaan ng sakit.     Ito ay may kinalaman sa nalalapit na paggunita ng Holy Week mula Abril 10 hanggang Abril 16 ngayong taon. […]

  • Olympic meeting sa Beijing kinansela dahil sa banta ng covid-19

    Kinansela ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.   Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula Abril 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausssane, Switzerland.   Magpapalitan kasi ng mga idea ang mga iba’t ibang sports governing bodies tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics. […]

  • Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner

    PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.   Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng […]